Talagang iba pag kalikasan na ang naminsala.
Imagine, parang nightmare iyon bagyo na buong araw nanalasa noong Miyerkules.
Talagang lahat ng mga lumabas ng bahay, na-stranded.
Excited tuloy ako na lumabas sa Sabado at makipag-lunch at chikahan kay Cris Roque.
Isa pang naloloka ako ay sa tuwing ilalabas ang barko ng Pilipinas sa TV kasabay ng barko ng China. ‘Yun bang mukhang kawawa ang barko natin na kalawangin na katabi ng bagung-bago na barko ng China.
Ang daming rich Asians dito sa atin, puwede naman siguro na mag-fund raising para makabili ng bagong barko.
Naku, kung lalaban tayo, magpakitang gilas tayo ‘no. Sabihin lang ni PBBM na chip in naman tayo para buy ng bagong barko, siguro naman hindi sila tatanggi.
Pero ako kung ano desisyon ni PBBM susundin ko. Pag sinabi niya, fight, fight. Kahit ano naman kakayanin natin dahil iba ang tiyaga ng mga Pilipino. Lahat nagagawa nating labanan at tiisin.
Kaya sigurado akong makakabangon ang lahat ng mga naapektuhan ng bagyong Carina kahit pa sabihing talagang malaki ang pininsala ng nasabing habagat at bagyo.
Marami na ang nagtutulong-tulong at nagbibigay ng donasyon para sa mga nabiktima.
Saka dasal lang at tiyak na malalampasan natin ito.
Pero dapat nating pasalamatan ang mga bayani ng bagyong ito. Ang mga rescuer na hindi nagdalawang isip na magpabalik-balik sa baha para tulungan ng mga na-stranded na mga pami-pamilya sa maraming lugar sa Metro Manila.
Maraming takot sa sakit na Leptospirosis. Pero hindi nila inisip ‘yun.
May gamot naman pero ubusan na raw sa mga drug store.
At hindi pala ito basta iniinom, may guideline.
Sana naman lahat ng mga bayani ng bagyong Carina ay ligtas at hindi nagkaroon ng anumang karamdaman.