^

PSN Showbiz

Kim, umangas dahil kay Coco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, umangas dahil kay Coco
Kim Domingo
STAR/File

Napapanood na tuwing gabi si Kim Domingo sa FPJ’s Batang Quiapo na pinagbibidahan ni Coco Martin. Ginagampanan ng aktres ang karakter ni Madonna sa pinag-uusapang serye. “Sobrang grateful ako sa lahat ng magagandang feedback. Sabi ko nga mas pagbubutihan ko pa,” nakangiting bungad ni Kim sa ABS-CBN News.

Ngayon lamang naranasan ng dalaga na makagawa ng action scenes. Pinagbutihan umano ni Kim ang paghahanda upang magawa nang maayos ang mga eksena sa serye. “First time ko mag-action and meron akong gun and meron akong ibang gamit, ‘yung knife. Challenging siya pero masaya ako na natututo ako, talagang focus,” kwento niya.

Malaki ang pasasalamat ni Kim sa suportang ibinibigay ni Coco bilang direktor at pangunahing aktor sa serye. “Gusto niya kapag talagang lumabas ka, maangas, maayos. Sabi niya, ‘Ayokong pagtatawanan ka,’ ganyan. So talagang siya minsan ‘yung nagdidirek sa akin. Siya talaga ‘yung, ‘Kim, dito ka, tingin ka dito.’ Mga gano’n,” pagbabahagi ng aktres.

AC, ‘di makapaniwala sa mga naipundar

Masayang-masaya si AC Bonifacio dahil natutupad na ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. Sa loob ng sampung taon na pagiging aktibo sa show business ay mayroon nang mga naipundar ang dalaga. Kamakailan ay isang bagong sasakyan ang nabili ni AC. “I was crying when I saw the van because me and my mom, we’ve been saving everything I earned. Kasi alam po namin na ang pag-aartista ay hindi po siya forever talaga. I’m so grateful to be in the industry. It was so nice that it was such an easy flow for us. My mom was like, ‘Do you feel like you need it now? ‘Coz you are starting to work a lot when you need to travel.’ And I was like, ‘Can we? Is it okay if we do?’ Because I’m not used to purchasing anything that big po talaga. It’s never been something in my mind. And I didn’t know na kaya ko na po with my own money,” paglalahad ni AC sa BRGY show ni Bianca Gonzalez.

Bukod sa van ay pinapaayos na rin ng singer-dancer at actress ang isang bagong condomium unit na fully-paid na ngayong taon. “2024 has been my year po talaga. We are currently renovating a condo that’s finally ours. We’ve been renting for so long also. This is also a dream for my mom and I. ‘Coz we’ve never purchased anything so big also in our life. We’ve shared house with my mom’s whole side of the family which we love. And we still do now. It’s always been like that, my whole life,” kwento ng dalaga.

Ayon kay AC ay parang isang panaginip lamang ang mga magagandang pangyayari sa kanyang personal na buhay at karera.

Sa edad na 21 taong gulang ay ‘adulting’ na umano ang dalaga. “Very adulting po ako this year talaga. I’ve been adulting with my mom. I get to achieve my dreams with my mom by my side. Though I love being independent. And soon enough I will get there but to achieve all these dreams with my mom by my side, with her is something that I never thought I will be able to do. Everything is like a dream for me right now,” makahulugang pahayag ng singer-dancer-actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with