Nag-trending kahapon ng umaga ang hashtag na #KIMPAUMovieAnncmntOnShowtime, kaya inabangan namin ito sa It’s Showtime, pero wala namang announcement na nangyari.
Absent rin doon si Kim Chiu at walang binanggit ang ibang hosts tungkol sa pelikulang gagawin nila ni Paulo Avelino.
Pero excited ang KimPau fans dahil sa napipintong film project nila.
Pinag-usapan na nila ito sa X kahapon, at ipinost pa nilang magkasama sina Kim at Paulo na nag-gym kahapon.
Sa nakaraang meet and greet ni Kim sa SM The Block na kung saan ay inilunsad na rin siyang endorser ng Face by Bloom, hindi naman niya binanggit na may pelikula siyang gagawin pero aniya malapit na ulit siyang maging busy.
‘Yung mga show lang niyang ASAP, It’s Showtime at PBB lang daw ang ginagawa niya.
Abangan na lang natin ang official statement nila kung may pelikula nga bang gagawin ang KimPau.
Mga shooting at taping, naudlot sa matinding baha!
Na-pack up kahapon ang mga shooting at taping dahil matinding pagbaha sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila.
Tuluy-tuloy pa rin ang pag-uulan dala ng bagyong Carina, kaya inilikas na ang mga taong nakatira sa mababang lugar.
Ang maganda lang, ilan sa mga mall kagaya ng SM Sucat, Bicutan at BF Parañaque, pati sa Festival mall ganundin ang mga mall sa Quezon City ay inalok para sa mga gustong mag-evacuate.
May safe space para sa mga gustong lumikas na may libreng WiFi, restroom at pati charging station. Kaya tiyka na maraming mga taong nasa loob ng malls.
Tamang-tama naman may mga bagong pelikulang nagbukas kahapon, pero as of presstime, wala pa kaming balita kung may mga nanood ba?
Matindi ang foreign film na nagbukas na Deadpool & Wolverine, nakasabay nito ang isang pang horror film na All My Friends Are Dead.
Nag-iisang local film ang nagbukas kahapon, ang sexy movie ni direk JR Olinares na Sagrada Luna, tampok ang Vivamax stars na sina Alexa Ocampo, Michaella Raz, Rash Flores at ang character actor na si Jeffrey Santos.
May pabakat ng nipples ang ilang artistang babae sa pelikulang ‘yun, pero nabigyan ng R-16 ng MTRCB.
Nagbawas daw ng sexy scenes si direk JR para lang mapasok sa R-16 at maipalabas sa SM Cinemas. “Medyo sexy talaga ‘to. Intended talaga sa isang sexy platform. Kaso hindi kami nagkasundo, that’s why I decided to go on cinema.
“May mga cut talaga dito,” pakli ng direktor nitong si JR Olinares.
Medyo maselan ang tema ng pelikula at maingat ang nagsulat nitong si Ping Medina upang hindi mag-react ang simbahan, dahil parang may kulto sa kuwento nito.
Pero sabi ni direk JR, may director’s cut daw siyang ginawa na puwede sa isang platform na may worldwide streaming.
Malamang matindi ang sexy scenes doon.
Samantala, dahil sa patuloy na pag-uulan inaasahang mataas ang ratings ng mga programang ipinapalabas sa telebisyon.
Ang bongga ng Widows’ War na lalong dumami ang televiewers nito, kaya madalas na double-digit ang ratings nito.
Ganado na nga raw silang mag-taping na ang ibang mga artista ay ang aga nang pumunta sa set kahapon, pero na-pack up din dahil sa lakas ng ulan.
Ngayong linggo ang sinasabing ‘heroic finale’ ng Black Rider, at medyo dumidikit na ang ratings nito sa Batang Quiapo. Pero may araw ding bumaba.
Noong Biyernes, ay naka-15.2 percent at 15.4 percent naman ang Batang Quiapo. Nung Lunes ay medyo bumaba ang Black Rider na naka-13.9 percent, pero tumaas 15.9 percent ang Batang Quiapo.
Samantala, tumaas lalo ang Abot Kamay na Pangarap dahil simula noong Lunes, July 22, ay napanood na rin ng alas-otso ng gabi sa GTV.
Ang Family Feud ay hindi natinag ang ratings kahit may Wil to Win na hindi pa rin sumampa sa 3 percent ang rating nito.
Noong Lunes na kung saan may SONA si Pres. Bongbong Marcos ay hindi umere ang Wil To Win.
Ang Family Feud ay pumasok pagkatapos ng SONA, naka-10.1 percent ito.