Sixto, mas napansin kesa sa produktong ineendorso!
MANILA, Philippines — May bagong endorsement na naman si Sixto Dantes, ang bunso nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kasama ng bagets ang mom niya sa pag-i-endorse ng Century Tuna Crispy Nuggets, pero hindi ang chicken nuggets ang unang pinansin ng netizens, kundi ang face card ni Sixto.
Kaya ang mga comment na mababasa, hindi patungkol sa kung masarap ba ang chicken nuggets, kung malutong ba? Ang pinag-usapan ay ang cuteness at ang kagwapuhan nito.
May mga advance na ngang comment gaya ng magiging heartthrob ang bata sa kanyang paglaki at hindi siya maaakusahang nepo baby dahil unang magiging puhunan nito ay ang kanyang visual.
Sa isang interview kay Dingdong, natanong siya kung magsu-showbiz ba sina Sixto at Zia? “Parang” ang sagot nito dahil kung natsi-check ninyo ang Instagram ng mga Dantes, malalamang nahihilig mag-play ng drum ang magkapatid.
Kumakanta rin sila, so may talent ang mga bata at siguradong welcome sila sa showbiz kapag ginusto na nilang pasukin ito.
David, ninerbyos
Na-intimidate pala si David Licauco sa unang eksena na magkasama sila ni Alden Richards sa Pulang Araw at ito ang inamin sa interview niya kay Nelson Canlas sa 24 Oras.
“I think ‘yung very first scene with him I got intimidated, but I just told myself na, like, “You are here for a reason, you worked hard for this, so why would you get nervous,’ you know? So, I was just trying to stay in the moment for me not to overthink,” kuwento ni David.
“’Yung scene ko with Alden, I think ‘yun ‘yung pinakamahirap na eksenang ginawa ko in my life dahil roller coaster of emotions eh, from happy to sad to getting mad and then eventually parang accepting defeat, you know? So, andami talagang layers nung acting na ‘yun,” dagdag na pahayag niya.
Nabanggit din ni David na nenerbyos siya sa taping na hindi kasama si Barbie Forteza na nagiging inspirasyon niya lalo na sa mga mabibigat na eksena. Sinusuportahan at tumutulong ito na i-motivate siya na malaking tulong kay David.
- Latest