Mark, may part 2 ang sex video

Mark Anthony Fernandez

MANILA, Philippines — Bahagi ba ng promotions ng Vivamax movie ni Mark Anthony Fernandez ang pagkalat umano ng kanyang sex video?

Trending topic si Mark sa X na dating Twitter at maraming nagsasabi kaugnay ng kanyang eskandalo. Pero maiiksi na ang videos, malabo pa at walang masyadong maaninag,

Eh sa nakaraang interviews kay Mark para sa movie, nabanggit niyang nagustuhan niya ang kapareha. Pero binasted umano siya ng girl.

Kung totoo ang sex video ni Mark, eh magpista ang mga accla! Kahit may anak ay edad na, si Mark pa ‘yan at tinilian nung kabataan at member pa ng grupong Guwapings, may asim pa, huh!

Pero teka, totoo kaya ang post ng isang kaibigan sa kanyang Facebook na may part 2 ang sex video?

Ay, sa rami ng artistang at celebrity na may sexy video, bago pa ba ito sa panahon ngayon?

Makakalimutan din ‘yan ng mga tao, huh!

Carla, dyosa pa rin kahit galit!

Lalong ginaganahan si Carla Abellana sa positive performance niya sa GMA series na Widows’ War.

Sobrang fierce kasi ni Carla sa mga lahat ng eksena niya lalo na with her co-star Bea Alonzo, huh!

Kahit galit at matapang, maintain na maintain ni Carla ang pagiging goddess niya na talbog ang iba sa kanya!

Show comments