Mark, kalat ang bagong sex video
Wow, bumulaga kahapon ang isang bagong sex video na ang involved diumano’y si Mark Anthony Fernandez! Imbes na ikahiya, ang reaksyon ng mga tao ay may ipagmamalaki ba si Mark Anthony?
So nagmana ba siya talaga sa amang si Rudy Fernandez? Mana-mana na rin lang, ganu’n ‘din ba ka-gifted sina Rap at Renz na anak ni Daboy kay Lorna Tolentino?
Pati naman anak ni Mark na si Grae Fernandez ay lalo pang pinagnanasahan ngayon dahil sa diumanong video ng amang kumakalat. Mana-mana nga lang ba talaga?
Movie nina Dennis at Ruru, kina Dingdong at John Lloyd sana
Finally lumabas na ang balita na kasama ni Dennis Trillo sa pelikulang Green Bones na official entry sa 50th Metro Manila Film Festival si Ruru Madrid! Major break ito dahil ayon sa aming source sa Netflix, nakaabang na ito sa pelikulang ito sana kung hindi ito makakapasok sa Metro Manila Film Festival.
At hulaan niyo kung kanino sana nakatoka ang protektong ito kung natuloy sa Netflix? Kina John Lloyd Cruz at Dingdong Dantes sana no less, na parehong nag-pass muna sa MMFF. Oh well, exciting naman talaga ang materyal na gawa ng National Artist Ricky Lee, kaya good luck kina Dennis at Ruru!
Aktor-pulitiko at aktres, hiwalay na
Hiwalay na nga ba ang maimpluwensyang aktor-pulitiko at ang kanyang jowang aktres? Mukhang tahimik naman at civil sila sa isa’t isa.
May third party ba? Mukhang wala naman. Pero lahat ay nakukuha sa mabuting usapan. Magkakaayos pa ba? Malay mo naman ‘di ba? Busy naman pareho ang bagong mag-ex. Tingnan natin kung sino sa kanila ang unang magsasalita o mananahimik na lang ba sila kaya? Abangan!
Kabastusan sa pagtawag ng sir, kanya-kanyang opinion
Kumampi ang advertising boss na si Chris Cahilig kay Jude Bacalso sa issue ng misgendering at ang sabi’y “Kabastusan ang pagtawag ng “sir” sa isang nagbibihis babae. Walang mawawala sa ‘yo kung kikilalanin mo ang kanyang gender identity.” Nag-viral ang issue ng diumano’y pagtataray ni Jude sa isang waiter nang tawagin siyang Sir, ngunit dapat nga bang magpakawala ng maanghang na mga salita at palakihin talaga ang isyu sa social media?
Tuloy, sari-sari na ang kuro-kuro rin ang naglabasan, at heto ang isa naman sa pinakamaanghang mula kay Ces Quesada, “Dear MA’AM, Mas nakakaoffend yung ginawa mong parusa sa isang tao na nagkamali na tawagin kang Sir. Sabi mo, maganda ka kaya dapat hindi ka niya tinawag na SIR. Hindi ka maganda. At lalong hindi maganda yung ugali mo.”
Nakakataquote:
“Mali na tawaging “Sir” ang isang tao kung nagdadamit-babae siya. Mali na maliitin ang problema sa misgendering dahil problema talaga siya. Pero mali rin na patayuin ang sinoman habang nagpapaliwanag tayo dahil sa halip na maliwanagan, magagalit ang mga tao, na karamihan, hindi pa naiintindihan nang husto ang mga isyu sa gender at misgendering. Walang gender ang kabastusan, wala ring gender ang pagiging mabuting tao.” – Jerry Gracio, award-winning writer
- Latest