Ate Guy at Boyet, nagkasama ulit!
Nagmistulang Chinese New Year sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila noong Linggo kung saan doon ginanap ang 40th Star Awards for Movies ng grupong PMPC o Philippine Movie Press Club.
Ruby o touch of red ang motif ng naturang selebrasyon dahil ipinagdiwang nila ang ruby anniversary.
Inihayag na ng PMPC ang kanilang mga winner maliban sa major awards na best director, best actor at actress, at movie of the year.
Nauna na nilang na announce ang best supporting actor na tie sina LA Santos ng In His Mother’s Eyes at JC Santos ng pelikulang Mallari. Ang best supporting actress naman ay napanalunan ni Gladys Reyes para sa Here Comes the Groom.
Ang bongga nga nitong major acting awards - tatlo ang best actress, dalawa ang best actor, dalawa ang best supporting actor at isa ang best supporting actress.
Buhay na buhay ang mga Noranians, at nagtilian din ang mga fans ni Maricel nang magkasama ang dalawang best actress sa entablado. Tatlo sila ni Vilma Santos na Best Actress. Sa pelikulang In His Mother’s Eyes si Maricel, sa Pieta naman nagwagi si Ate Guy, at sa When I Met You in Tokyo.
Sayang at hindi nakarating si Ate Vi dahil sa nagkasakit ito.
Mahigpit na nagyakap sina Maricel at Nora nang magkita sila sa stage. Ang producer ng When I Met You In Tokyo na si Rowena Jamaji ang tumanggp ng trophy ni Ate Vi.
Ang sayang nagtsikahan sa stage ang dalawang best actress. Ang tagal na raw nilang hindi nagkita, kaya sobrang na-miss daw nila ang isa’t-isa.
Ibinahagi niya ito sa mga kasamahan niya, pati sa producer, director at production staff ng naturang pelikula, lalo na sa BFF niyang si Roderick Paulate na dinescribe niyang matangkad, matangos ang ilong at mestizo.
Maiksi lang ang pahayag ni Ate Guy, na nagpapasalamat siya sa tatlong awards na nakuha niya nung gabing iyun.
Bukod sa best actress, ibinigay din sa kanya ang special award na Frontrow Celebrity of the Night at ang Dekada award.
Isa sa highlights ng pamamahagi ng parangal ang Dekada Award na kung saan pinarangalan ang nakatanggap ng maraming awards mula sa Star, na sina Nora, Vilma, Christopher de Leon at Piolo Pascual. Wala sina Ate Vi at Piolo.
Nakakatuwa ring muling nagkasama sa stage sina Nora at Boyet. Maiksi lang din ang mensahe ni Ate Guy na nagpasalamat sa kanyang mga fans.
Habang nagsasalita si Boyet ay umalis na si Ate Guy.
Sina Alden Richards ng Five Breakups and a Romance at Dingdong Dantes ng Rewind ang parehong tinanghal na best actor.
Sabi ni Dingdong, ang dami nilang natutunan sa pelikulang Rewind na malinaw daw na may mas malaking kuwento sa pelikulang ito. Lahat daw ito ay nanggagaling sa Panginoon.
Ang mensaheng gusto raw iparating ng pelikulang ito ay; “Lahat ng bagay dito sa mundo, maaring temporary lang e. Minsan talaga kahit anong gawin natin, akala natin in control of everything, katunayan nun ay hindi. Dahil Siya talaga ang may control nang lahat.
“Gaya nga parating sinasabi sa akin ng aking tatay, everything comes from the Lord.”
Isa si Alden sa hosts ng Star Awards, pero hindi na niya ito tinapos dahil maaga siya kinabukasan para sa taping ng Pulang Araw na malapit nang magsimula.
“Nagtatapos lang po ako ng few taping days po para malipad. And then, pagdating po dun dere-deretso na po dun kasama yung Sparkle world tour na concert,” sabi pa ni Alden.
Naka-schedule na kasi siyang lumipad pa Calgary, Canada para sa shooting ng Hello, Love, Again nila ni Kathryn Bernardo.
Ngiti lang ang sagot ni Alden nang kinumusta sila ni Kathryn. Hindi na siya sumagot kapag tungkol sa napapabalitang panliligaw nito sa kanyang leading lady ang hinihirit naming tanong.
- Latest