^

PSN Showbiz

Willie, tuloy ang pagmamarakulyo!

JUST ASKING - Leon Guerrero - Pilipino Star Ngayon
Willie, tuloy ang pagmamarakulyo!
Willie Revillame

Ano kaya ang isasagot ni Willie Revillame sa grabeng sagot sa kanya ng mga netizen na kung nahihirapan siya at napapagod  sa pagtatayo ng kanyang bagong bagong show sa TV5 ay hindi naman siya pinipilit na magshow ulit? At kailangan bang magparinig na orig ang show niya at hindi kailangang magbayad ng franchise? Tuloy hindi na lang siya pinapatulan ni Dingdong Dantes ng toprating na Family Feud. Hanggang kailan kaya magmamarakulyo si Kuya Wil?

FAMAS at Star Awards, halos magkaparehas

Bakit nagka-3 way tie sa Best Actress ng PMPC Star Awards for movies? Oh well, kanya-kanyang taste naman talaga sa mga choices di ba? As it is, maraming pagkakapareho ng choices ng FAMAS at PMPC. At uso pa rin pala ang malaking props na gift certificate na malamang sponsor ng event. At may mga special awardee na may gift basket ng mga produkto, alangan namang bitbitin ‘yun ng nakagown na artista, di ba?

Luna, susunod na

Susunod nang aabangan pagkatapos ng Star Awards na ngayo’y may bansag nang It’s A Tie Award, ay ang Luna Award na mula sa iba’t ibang guilds ng Film Academy of the Philippines? Parang ang mga pelikulang Mallari, Litrato at  In His Mother’s Eyes ang tatlong pelikulang nagpapaiba ng labanan. Magpapaka-FAMAS at Star Awards ba ang FAP o mag-ala Eddys o magpaka-Urian pa nga?

Enchong, brand ang bitbit sa gala

Bakit daw nasa GMA Gala si Enchong Dee (na infairness ay napakaelegante sa kanyang outfit ha)? Ano raw ang kuneksyon niya sa GMA eh wala naman dun ang Bahay Ni Kuya? ‘Yun pala, Enchong was representing Premier Drip which is the official drip partner of the GMA Gala. May ganu’n pala ‘yun?May beneficiary ba ang GMA Gala? Good content din kasi yan sa iba’t ibang platforms ng network, di ba?

Nakakataquote:

“Maraming salamat po sa patuloy na pagsama sa aming byahe! To God be the glory! “ —Ruru Madrid on the all time high rating ng Black Rider na 15.2 at mukhang papataas pa ngayong finale week

vuukle comment

ACTRESS

WILLIE REVILLAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with