^

PSN Showbiz

Nadine, idinaan sa kape ang naging karanasan sa gala!

Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Nadine, idinaan sa kape ang naging karanasan sa gala!
Nadine Samonte

Hala! May isyu kay Nadine Samonte sa katatapos na GMA Gala 2024 and actually, hindi si Nadine ang nagreklamo, kundi ang stylist ng aktres na si Keith Manila. May post ito sa X (formerly Twitter), kaya nalaman.

Sabi ni Keith, “Treat your artists right. Kahit na di yan prime niyo. Bat kayo magiinvite pero wala pala sa listahan. Wag niyo unahin mga influencers na inivite niyo. So disappointing Sparkle GMA Artist Center. #GMAGALA2024.”

May pahabol pa si Keith na “She deserve a seat at the table.”

As of now, wala pang sagot ang Sparkle GMA sa isyung ito at wala pa ring comment si Nadine na panalo pa naman ang ayos sa nasabing event. Ikinumpara nga siya kay Audrey Hepburn dahil sa kanyang ayos at datingan.

Puwedeng na-overlook lang siya ng in charge sa seating arrangement dahil marami ang guest that night.

Anyway, ang latest, nag-post si Nadine ng photo na umiinom siya ng coffe at ang caption ay “I’ll just drink my coffee and smile” na obviously, reaction niya sa nangyari sa GMA Gala 2024.

Alexa, binansagang OA sa pagiging faney ni Marian

Ang mean ng ibang netizens kay Alexa Ilacad na para bang kasalanan ang magpahayag ng paghanga sa favorite niyang si Marian Rivera. Pinost kasi ni Marian ang photo niya para sa GMA Gala 2024 na totoo namang napakaganda, kaya marami ang nag-comment kabilang na si Alexa.

Comment ni Alexa, “I’m at a loss for words” sa halip na ikatuwa, may nakaisip pang i-bash si Alexa. Tinawag siyang “OA” at sinegundahan ng isa pa nitong hater.

Wala namang masama sa sinabi  ni Alexa at inamin nito sa isang interview na fan siya ni Marian at alam ito ng Kapuso Primetime Queen. Nagkita na silang dalawa, friend sila at nila-like ni Marian ang post niya. Kahit sikat din si Alexa at may 3.8M followers sa Instagram, nagpapaka-fan pa rin kay Marian.

And speaking of Alexa, isa siya sa host nang nagbabalik na PBB  first regular hosting job ito ng aktres at based sa comment ng fans, she is doing a great job.

Ang wish ng kanyang fans, ituluy-tuloy ng ABS-CBN ang pagbi-build up sa kanya as host para mas gumaling pa siya.

Gary V. at Ice, mala-obituary ang poster

Tila nauuso ang mala-orbituary card poster to promote a concert. Nauna na si Gary Valenciano na nagpakaba at nagdulot ng takot sa fans nito at mga nakakita at nakabasa sa poster ni Gary for his “Inspired” concert.

Ngayon naman, si Ice Seguerra ang may mala-orbituary card poster to promote his Videoke Hits: OPM Edition na kanyang birthday concert. Gaganapin ito sa Music Museum sa September 13, 2024 at available na ang tickets.

Idinaan ni Ice sa song niyang Pagdating ng Panahon ang sagot sa mga nag-react sa poster ng kanyang concert. Sa nag-comment ng akala niya dumating na ang panahon ni Ice, ang sagot ni Ice, “Di pa siguro bukas. Di pa rin ngayon... hahaha!” at may sumagot ng “Malay mu balang araw...”

May nagtanong pa kay Ice ng “Bakeeet?” ang sagot dito ng singer ay “May pa biskwit at pa-kape kami sa concert.”

Wait tayo at siguradong may susunod pa kina Gary at Ice sa nauusong promo ng concert na ito.

Sigurado ring may mga mamba-bash sa mga celebrity na susunod kina Gary at Ice.

Kyline at Kobe, gumigimik lang

Imbyerna ang netizens sa diumano’y gimik nina Kyline Alcantara at Kobe Paras na sabi­hing best of friends lang sila, pero iba ang mga ikinikilos. Gaya na lang sa GMA Gala 2024, hindi nga sila sabay rumampa, pero sabay nagpa-interview at sa interview, ang sweet daw ng tinginan.

May lumabas pang picture ng dalawa na parang hinahaplos ni Kyline ang mukha ni Kobe na nakatitig naman sa aktres. Hindi raw pang best friends lang ang mga eksenang ganu’n sa kanila.

Sabi tuloy ng isang netizen, bakit hindi na lang aminin nina Kyline at Kobe na may relasyon sila?

Ang dami pa raw gimik na sinagot ng isa pang netizen na mas exciting at mas intriguing na hindi sila umaamin. Para raw lagi silang nasa news at pinag-iinteresan ng fans at ng press.

vuukle comment

ACTRESS

NADINE SAMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with