^

PSN Showbiz

Nadia nagkamali, mahirap ang pinagdaanan sa anak nila ni Baron

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadia nagkamali, mahirap ang pinagdaanan sa anak nila ni Baron
Boy Abunda at Nadia Montenegro

Matapang na inamin ni Nadia Montenegro ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Baron Geisler.

Maglalabingwalong taong gulang na ang babaeng anak nilang si Sophia. “Tito Boy, I’ve already admitted that, yes. Sophia is turning 18 in August. And that’s why I’m here, Tito Boy, is not for views, to trend, because that’s one thing I hate. But to put an exclamation to everything. Tito Boy, 17 years ago, may isiniwalat ang isang tao tungkol sa buhay ko, na I don’t think naman anybody has the right. Kasi no’ng time na ‘yon, Tito Boy, inaayos ko lahat. Hindi man lang kinonsider 17 years ago kung ano ang pinagdadaanan ko, ng mga anak ko, kung ano ang pwedeng mawala sa akin,” pagtatapat sa amin ni Nadia sa Fast Talk with Boy Abunda.

Hindi madali ang pinagdaanan ng aktres mahigit labingpitong taon na ang nakalilipas. “Itong sinasabi ko ngayon na ako’y nagkaanak. And it’s happening again, Tito Boy, now na parang, wait, everybody is feisty on something that I did 17 years ago. That’s why ang sabi ko Tito boy, this was my mistake. Kung nagkamali man ako, I even don’t wanna call it a mistake, Tito Boy. Sophia is one of the most beautiful girl you can ever meet, Tito Boy. Not just sa mukha niya, pati puso niya. This child had been through so much that she didn’t deserve. Pinangakuan siya na, sige, magkikita tayo ng isang beses pero walang makakaalam. Tito Boy, sila ang magkausap, hindi ako nakikialam, si Sophia at si Baron,” pagtatapat niya.

Ayon kay Nadia ay kinilala naman ni Baron ang kanilang anak. May mga pagkakataong hindi umano matanggap ng aktres ang mga pagkakataong lasing ang aktor na kinakausap si Sophia sa telepono. “They were always in contact, Tito Boy, from social media but never like hide, walang gano’n. It was just, I’m okay. Pero, Tito boy, huwag nating kalimutan na, bakit ba tumagal nang ganito. Unlimited chances from someone to change. Give me a reason na ipaharap kita sa kanya, nang sober ka. No, the drunk text messages to my daughter, you think that would help her? You came out to an interview all of a sudden without even asking us? Even if you didn’t mention my name, sa tingin mo hindi kami nabulabog? Did you even think for a while, what would happen to your daughter? Tito Boy, it’s an open secret,” kwento ng aktres.

Matatandaang nagbigay ng pahayag si Baron sa YouTube channel ng kaibigan naming si Ogie Diaz mahigit apat na buwan na ang nakalilipas. Naibahagi ng aktor sa publiko noon ang tungkol sa kanyang pakitutungo sa panganay na anak. “Dahil may inamin siya sa interview niya kay Ogie Diaz, then pinick-up na naman ng masasamang elemento. So ayun, (naapektuhan sa) school, friends, she was bullied. Someone all of a sudden just posted on student council page a picture of Baron in jail, ‘Kaninong tatay ‘to?’ Tito Boy, kailangan ko pa bang ikwento? Kung anong pinagdaanan namin just to keep our peace? This is my life. This is my children’s lives. This is my story, Tito Boy. No one has the right to tell my story. I’ve always on my mistakes, Tito Boy. But let me say kung ano ang pagkakamali ko, hindi ikaw. “Hindi ko kailangan ng spokesperson. I’ve always faced my battle, Tito Boy. I’ve always fought them head on. Why, because I pray. I do things not because I wanna hurt people. I do things now because I want people to learn from my mistakes. Hindi ko kinakalat ito para mag-entertain, or para pagpiyestahan ninyo ang buhay ko o buhay ng anak ko. I want this to end because my daughter is turning 18 soon. And she does not need to come out to this world and answer questions for her mother. So, I’m putting an end to this now, Tito Boy. So, I’m happy. I have a child named Sophia and she does not need anything else in this world because she’s complete,” emosyonal na paglalahad ni Nadia.

Halos tatlong dekada ang itinagal ng pagsasama nina Nadia at Boy Asistio. Ayon sa aktres ay napag-usapan din nila ng dating mayor ng Caloocan ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Baron.

Pitong taon na ang nakalilipas nang pumanaw si Mayor Boy. “Yes, all he asked me was not to tell her until he’s gone and I kept that promise. Dahil ayaw niyang magbago ang tingin ni Sophia sa kanya. He loved everyone equally. She always knew, Tito Boy, tingnan mo naman ‘yung mukha (ni Baron) lagyan mo lang ng wig. Tito Boy, all these years I never lied. If someone has approached me, I would have answered. But nobody did,” pahayag ng aktres. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTRESS

BOY ABUNDA

NADIA MONTENEGRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with