^

PSN Showbiz

Rayver, handang pakasalan kahit saang simbahan si Julie Anne

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Rayver, handang pakasalan kahit saang simbahan si Julie Anne
Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

Ramdam at kitang-kita namin ang sincerity kay Rayver Cruz sa sinabi niyang si Julie Anne San Jose na ang babaeng pakakasalan niya at makakasama forever.

Nag-guest si Rayver sa launching kay Jennylyn Mercado bilang bagong brand ambassador ng Beautederm na ginanap sa Solaire North, QC noong nakaraang Huwebes.

Bilang matagal na ring Beautederm baby si Rayver na naging close na kay Ms. Rei Anicoche-Tan, kaya tinanong na rin namin si Ms. Rei kung nasabihan na ba siyang mag-ninang kung sakaling ikakasal na sina Rayver at Julie Anne.

“Ay wala pa naman, Tito. O ‘di ba? Marunong na ako magsikreto ngayon!” pabirong sagot ni Ms. Rei.

Sabi naman ni Rayver, “Napapag-usapan namin, kasi… lalo na ako nagkakaedad na rin ako e. Eventually gusto ko na rin mag-settle down just like my brother.

“Nakakatuwa na kasi ang kids, ang mga pamangkin ko. Pero hindi naman kami para nagmamadali. Pero kung may tanong man kayo na gustong masagot, yes.

“Lagi ko naman sinasabing si Julie Anne San Jose ang pakakasalan ko. Siya lang ‘yung babae for me,” buong katapatang pahayag ni Rayver.

Since napapag-usapan na nila ang plano nilang magkasintahan, natatanong ba niya si Julie Anne kung ano ang gusto nito sa kanilang kasal?

“Iba-iba e. Minsan napapag-usapan, sa abroad ba ganyan? Pero gusto rin naming makakapunta… ‘yung accessible para sa mga kaibigan namin. Ahhh, kahit saang simbahan pakakasalan ko naman siya e. Hindi naman kailangan maging choosy,” napangiting pahayag ng Kapuso singer/dancer at actor.

Lagi itong natatanong sa kanilang dalawa, kung sakaling mag-propose na siya kay Julie Anne, ang gusto naman daw ni Rayver na ang pinakaunang makakaalam ay ang magulang ng Limitless Star.

“Kagaya ng ganito… eto na lang kasi ang natatanong sa akin ng mga press e. And lagi ko rin sinasabi sa kanila na ayoko naman po na kayo pa po ang unang makakaalam bago sila.

“’Yung gusto kong makita ‘yung genuine face ‘pag nagulat siya o na-surprise siya. And of course, nandun ‘yung respeto ko sa family. Sinasagot ko ang mga question now. Pero ‘pag dumating na talaga ‘yung tamang araw para mag-propose ako sa kanya, of course ang pinakaunang makakaalam is her parents talaga. And ‘yun na… doon tayo magpapaalam,” napangiting pahayag ni Rayver.

Malapit nang magsimula ang The Clash 2024 na pagsasamahan nila uli ni Julie Anne San Jose bilang The Clash Masters.

Gaganap na April Boy, lihim pa!

Noong Huwebes din pala nagsimula ang shoo­ting ng biopic ni April Boy Regino na pinamagatang Idol (The April Boy Regino Story).

Noong nabubuhay pa lang si April Boy ay ipinangako na sa kanya nina Marynette Gamboa ng WaterPlus Productions at direk Efren Reyes Jr. na isasapelikula nila ang kuwento ng buhay ng singer/songwriter.

Kuwento  ni direk Efren, “Nagkasabay kami sa airport, nagkasama kami sa eroplano, hanggang doon. Tapos magkasama kami sa hotel, nagkuwentuhan kami doon.

“Magmula doon, nagpunta na kami sa bahay niya, at in-interview ko na… ‘yung buhay niya, naikuwento na niya sa akin. At habang nagkukuwentuhan kami, minamakinilya ko na ang story niya.”

Sa first shooting day nito na kinunan sa spa at restaurant sa Quezon City na pag-aari ni Marynette Gamboa, dumating ang mag-ina ni April Boy na sina Madelyn at JC Regino.

“Sana po para magkaroon at mabigyan po ng inspirasyon ang mga tao po sa pamamagitan ng buhay ni Dad,” pahayag  ni JC Regino.

Dumating din doon sa shooting ang Action Director ng PCSO Imelda Papin para sumuporta at may special appearance rin.

Sa ngayon ay ayaw pa muna nilang i-reveal kung sino na ang gaganap na April Boy at ang asawa nitong si Madelyn.

Ang daming nagpa-audition sa kanila at natuwa si direk Efren at ang buong taga-WaterPlus dahil bumagay raw ang artistang napili nila.

“Magaling! Nai-imbibe nila ‘yung personalidad ng mag-asawa.

“’Yun lang ang masasabi ko sa ngayon. At tinututukan ko ‘yung acting nila,” bulalas ni direk Efren Reyes Jr.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

JULIE ANNE SAN JOSE

RAYVER CRUZ

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with