^

PSN Showbiz

Heart, inaabangan; Sona 2024 coverage ng ABS-CBN, nasa ALLTV din; Pia at Atom, mangunguna sa GMA

Pilipino Star Ngayon
Heart, inaabangan; Sona 2024 coverage ng ABS-CBN, nasa ALLTV din; Pia at Atom, mangunguna sa GMA
Heart Evangelista

Sa Lunes na ang SONA (State of the Nation Address).

Bukod siyempre sa magiging speech ni Pres. Bongbong Marcos, inaabangan din ang mga Filipiniana ng mga misis ng senador at iba pang pulitiko particular na si Heart Evangelista.

Lately ay abala ang first lady ng Senado sa mga official function with Se­nate President Chiz Escudero kaya naman parang hindi muna siya rarampa sa mga fashion week.

At tiyak na maging updated ang lahat sa gaganaping SONA.

Handang-handa na ang mga network sa mga coverage nila.

Ang ABS-CBN ay may live updates at mga makabuluhang diskusyon sa kanila special coverage na mapapanood live ngayong Lunes (Hulyo 22), 3:15 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, at ALLTV.

Ipapalabas din via live stream ang SONA 2024 special online sa Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com, pati sa official YouTube and Facebook pages nila.

Pangungunahan ni Alvin Elchico ang SONA 2024 special, hatid ang mga pangyayari sa loob at labas ng Batasang Pambansa.

Atom Araullo at Alvin Elchico

Bukod sa live updates, hihimayin din nila ang magiging talumpati ni Pres. Marcos Jr., mula sa mga planong hangad na mapatupad sa kanyang panunungkulan, mga naisagawang proyekto at polisiya ng administrasyon, at mga usaping napapanahon sa bansa.

Pagkatapos ng special SONA coverage, tuluy-tuloy ang pagbabalita nito sa TV Patrol Express kasama sina Jeff Canoy at Denice Dinsay ng 5:30 p.m., at TV Patrol nina Noli de Castro, Karen Davila, Bernadette Sembrano, at Henry Omaga Diaz—na mapapanood sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, Radyo 630/Teleradyo Serbisyo, ANC, ALLTV, at sa digital platforms ng ABS-CBN News sa ganap na 6:30 ng gabi.

Ganundin ang GMA 7 na buong puwersa ring ihahatid ng GMA Integrated News ang multi-platform coverage ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni President Marcos Jr. (PBBM).

Sa pangunguna nina Pia Arcangel at Atom Araullo, mapapanood ang State of the Nation Address 2024: The GMA Integrated News Special Coverage sa GMA pati na sa GTV at Pinoy Hits.

Ang flagship newscast na 24 Oras ang mangunguna sa pagbabalita ng mga highlight ng SONA. Hatid din nito ang mga special report na tumatalakay sa ilan sa mga pinakamalalaking pagsubok na hinarap ng Marcos administration noong nakaraang taon, kabilang na ang isyu ng China at West Philippine Sea, El Niño, POGO, inflation, at pulitika.

Mula Unang Balita sa Unang Hirit hanggang sa Saksi sa GMA, tututukan ang mga pinakamahahalagang balita. Sa GTV, tuluy-tuloy rin ang balitaan sa Dobol B TV, Balitanghali, Dapat Alam Mo!, at State of the Nation.

Dahil local news matters, pananatilihing updated ng GMA Regional TV (RTV) ang mga Kapuso mula Luzon, Visayas, at Mindanao sa pamamagitan ng regional newscasts nito.

Ang Kapuso flagship AM radio station na Super Radyo DZBB 594khz at ang Super Radyo stations nito nationwide ang maghahatid-balita via Super Radyo DZBB Special Coverage: State of the Nation Address 2024. Mag-uumpisa ang coverage ng 3 a.m. sa Markado at magpapatuloy hanggang 6:30 p.m.

vuukle comment

ACTRESS

GMA

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with