Tomorrow, Sunday, na rin mag-uumpisang mapanood ang Da Pers Family ng mga Muhlach – Aga, Charlene, Atasha and Andres.
Naging emosyonal ang mag-asawang Aga at Charlene sa mga papuri ng Da Pers Family director at co-stars sa kambal nilang anak.
Ayon kay Direk Danni Caparas, na naging direktor din ni Aga sa now-defunct sitcoms niyang Oki Doki Dok, Okay Fine Whatever, atbp, ibinilin sa kanya ni Aga si Andres bilang ito ang kauna-unahang pagsalang ng anak sa showbiz.
Medyo struggle raw kay Andres ang pag-deliver ng Tagalog lines at ang pakikipagsabayan sa beteranong co-stars.
Pero paliwanag ni Direk : “Natutuwa ako, ang sabi sa akin ni Aga, ‘direk paki-alalayan si Andres kasi bago lang.’ Sabi ko, ‘ako’ng bahala d’yan.’ Si Atasha, napapanood ko. Okay ‘yung bata, magaling. Makapal ang mukha nu’ng bata, magaling, magaling! So, sabi ko kay Aga, ‘okay ‘yan, ako’ng bahala d’yan kay ano, kay Andres.”
Kaya masaya raw ang lahat, very light sa set tuwing taping nila, lalo na at nagkasama-sama ulit sina Aga, Roderick Paulate, Ces Quesada, atbp.
Si Ces naman, apaw rin ang papuri kina Andres at Atasha.
“You know, Andres, I’m really very, very proud of you. Actually, both of the kids,” panimula niya. “Because kasi, you know, if you’re a newcomer, minsan, lalo na these children are so good looking.
“There are some actors na parang they’re so conscious about ‘papangit ba ako dito or whatever?’ sila, they just jump into the scene kahit awkward ‘yung magiging hitsura nila or something.
“Malalakas ang loob and I can see that during the first taping most specially, medyo si Andres, he was, because of the lines, kasi Tagalog. But what I like about him is matapang siyang bata. And he’s willing to learn.
“And I think that’s the most important thing for him. Kasi, you know, para sa isang artista na ‘ah, anak ako ng artista, you know, anak ako ng isang sikat na artista, so lahat kayo makibagay sa akin and all.’ Walang ganu’n. And I think this is something that Aga and Charlene should know that they raised very, very good kids. Very, very good kids na walang yabang at saka, you know, nasa title role na sila kaagad but you can never feel na parang nagpapaka-importante. They’re very nice with the staff. Hindi spoiled na mga bata pero ‘yung nga, Andres, you’re doing very well. Siguro ngayon maku-conscious ka kasi ikinukwento ‘yung mga ano mo, but it’s something that’s very natural and I appreciate it well that you’re always there, you’re trying to learn and I’m very, very proud of you.”
Salo naman ni Bayani Agbayani, “Si Andres parang pinaghalong Richard Gomez at Aga Muhlach, ‘di ba? Grabe, napaka… pero napaka-humble.
“Si Atasha naman, napakagaling at talagang tinuturuan niya si Andres pagdating na du’n sa pagta-Tagalog kasi sanay na sanay na siya. Oo, grabe si Tasha. Si Tasha ang pinaka the best actress in Europe,” pabirong hirit ng komedyante.
Siyempre, touched na touched ang mga magulang ng dalawa sa mga narinig mula sa mga kasamahan sa Da Pers Family.
Hatid ng Studio Viva at MQuest Ventures, iikot ang kwento ng sitcom sa nakakaaliw na Persival family na gagawin ang lahat para maisalba ang negosyo nilang The Bake Haus of You mula sa maitim na balak ng dating kaibigan ni Aga.
Mapapanood ito tuwing Linggo simula July 21, 7:15 p.m., sa TV5 at may catch-up airings din sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7 p.m.
Sabagay, walang kaere-ere sina Atasha and Andres.
Ang galing ng PR. ‘Yun ay kahit pareho silang sa ibang bansa nag-aral.
Si Atasha ay nag-aral sa London at si Andres ay sa Spain.
Kuwento ni Andres na nagko-commute siya sa Spain.
Noong nasa Spain siya, kuwento ni Andres siya mismo ang naglalaba ng kanyang mga damit, nagluluto ng kanyang pagkain. Mas bet din ni Andres ang maglakad noon papasok at pauwi galing school kesa mag-train.
Naglalakad siya ng 40 minutes, everyday, papunta ng school at pabalik ng kanyang apartment.
At sa tatlong taong ‘yun, kuwento pa ni Andres tatlong beses din siyang na-snatch sa Madrid. Nung dalawang beses, hindi niya hinabol ang mga kawatan dahil mas natatakot siya na baka may weapon nga naman.
Pero nung third attempt ng kawatan, na-headlock na niya kaya nabawi niya ang necklace na hinablot nito sa kanya.
At ang exciting kay Andres, no girlfriend siya since birth.
Kaya naman exciting panoorin ang Da Pers Family dahil TV debut ito nina Andres at Atasha.