Hindi pa rin pala naresolbahan ang nangyari sa pagnanakaw sa credit card ni Arci Muñoz sa eroplano.
Inalala ng singer-actress ang tinawag niyang “horror story in the sky” at hanggang ngayon daw ay ‘di pa naaksyunan ito.
Muli niyang kinuwento sa programang Fast Talk with Boy Abunda ang nangyari.
Nagtiwala raw siya masyado dahil inakala niyang dahil nga business class naman, walang gagalaw ng mga gamit niya lalo na at lagi namang dumaraan ang mga flight attendant.
Dahil nga puyat sila ng mga kaibigan ng gabi bago ang flight niya ay antok pa siya pero paggising niya ay nalaman niyang ginalaw ng isang pasaherong lalake ang bag niya nang may babaeng nagsabi sa kanya na nagkompronta rin sa lalake.
Naalimpungatan pa raw siya noon at nakampante nang makita niya ang kanyang passport dahil wala naman daw siyang dalang wallet.
Nalaman na lamang daw niya na nawawala ang isa niyang card nang makarating na sa Manila nang may matanggap siyang mga notification na may gumamit nito sa Vietnam at Jakarta. Naputol naman agad ang access sa card pero hindi na raw maibabalik ang nagamit na credit.
Sinabi raw ng mga ito na negligence raw sa parte niya kahit na sinabi niyang ninakaw ito. Hindi na rin daw siya binalikan nang airline nang i-report niya sa mga ito at hanggang ngayon wala pa ring nagawa ang mga ito.
Buwan ng November nakaraang taon nang ikuwento niya ito sa TikTok habang nasa eroplano kung saan nagbabala siya na laging maging alerto at ingatan ang mga gamit saan man magpunta at kahit business class ka pa sa eroplano.
Mga celeb na ‘di tanggap ang pagkalaos, nagiging pathetic!
Gusto ko talaga sa lahat ng celebrity ‘yung acceptance ng kung ano na ba ang level nila sa showbiz. Mas dignified na mag-retire ka nang your head still standing tall. Huwag kang mahiyang tanggapin kung hindi ka na sikat at hindi na masyadong type ng tao.
Lahat ng artista nag-iiba ng ranking habang tumatagal, kaya naman hanga kami sa talagang nagsi-self retirement. ‘Pag hindi na natatawa sa jokes mo ang tao, at hindi ka na hinahanap, tumahimik ka na. Lalo pa at ikaw mismo admitted mo na pagod ka na, na kahit nga staff mo hindi na sumusunod sa utos mo.
Huwag mong ipakita ang iritasyon mo, dahil mukha kang pathetic. Pagod ka na pala ‘di huminto ka na. Bakit kailangan mo pang mag-show ? Magpahinga ka na dahil sabi mo nga marami ka nang pera, huwag mo nang sayangin pa ang oras mo para gumawa ng bagong show na hindi naman yata patok sa mga manonood.
Ano ang laban mo sa isang bata at guwapong host na gustung-gusto ngayon ng viewers? Kaya be honest to yourself, accept the reality na hindi mo na panahon. Magpahinga na lang and enjoy your retirement. Hayaan mo na maalala ka nila noong panahong sikat ka pa. Huwag mo nang ipilit ang hindi mo na panahon.
At kung tunay kang tumutulong sa tao, unahin mo ang sarili mong staff bago ang iba. Sila ang dapat una mong nakikita.
Huwag pulos salita, dapat ipakita sa gawa, mas bongga.