Jane, nagpaliwanag sa nangyari sa kanila ni Rob

Jane de Leon.
STAR/ File

Magbibida sina Jane de Leon at Enrique Gil sa pelikulang Strange Frequencies: Haunted Hospital. Isa ito sa mga pelikulang makakalahok sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2024. Ayon sa kay Enrique ay talagang kaabang-abang ang bagong horror film dahil kakaiba ang atake nito. “Something different, something very raw. Parang found footage style. I don’t think it’s ever been done in Philippine cinema ever,” pahayag ni Enrique sa ABS-CBN News.

Aminado naman si Jane na talagang mahilig sa panonood ng horror movies. Sinisiguro ng dalaga na bago ang masasaksihan ng mga manonood sa naturang proyekto. “I love scary films. Napaka-authentic ng magiging reactions namin. Hindi siya acting-acting,” giit ni Jane.

Kabilang din sa bagong proyekto si Rob Gomez na nauugnay ngayon kay Jane. Nagsimulang umugong ang balitang ito nang mag-post ang dalaga sa Instagram kung saan nakitang kasama ang aktor. “No, noong time kasi na ‘yon, it was our rest day, marami naman kami. I was with my mom, my make-up artist, Rob and Zarck. So noong time na ‘yon na may na-upload ako, minsan na nga lang mag-upload sa Instagram, nahagip ‘tong si Rob. So, I was with Rob and Zarck. And then hindi namin alam na naa-article na kami. So, I feel bad lang din kay Rob. Kasi nagso-sorry siya sa akin. Sabi ni Rob sa akin, ‘Jane, sorry nadamay ka pa, nahiya ako sa mom mo.’ Sabi ko, ‘No, it’s okay because we know that you’re a nice person,’” paglilinaw ng aktres.

Nyoy, sineseryoso ang paghuhurado

Isang malaking karangalan para kay Nyoy Volante na maging isa sa mga Hurado sa Tawag Ng Tanghalan sa It’s Showtime. “I was there from the start. One, to be a part of something that’s been running this long and something that’s been considered as one of the premium singing contests in our country, nakaka-proud talaga, sobrang nakaka-proud. Ang dami nang nawala sa line-up, ang dami nang dumagdag. But seeing all of that, the prestige of being a part of Tawag ng Tanghalan, nando’n pa rin eh. So I’m very, very proud and happy and very, very grateful to be a part of it,” nakangiting paglalahad ni Nyoy.

Para sa singer ay mahirap din ang responsibilidad ng isang Hurado para sa naturang singing competition. “Madaling sabihin kasi nagde-decide ka lang naman kung sinong mananalo sa kanila. But if you’re anything like the hurados, we take our responsibility seriously eh. We don’t take it lightly. You have to understand na sa kinauupuan namin. We’re responsible for the future of these people. So, we try to be fair as much as possible. We’re human beings, eventually lalabas ‘yung mga kakulangan namin bilang tao. But one thing is for sure, we all have our different approaches. We all have our different tastes. Hindi iisang tao ang nagde-decide. Hindi namin palaging naibibigay ‘yung tamang resulta but hindi n’yo talaga masasabi na hindi namin pinaghirapan ‘yung desisyon. Talagang napakahirap ng kinatatayuan ng mga hurado dahil sineseryoso talaga namin,” paliwanag niya.

Samantala, isa si Nyoy sa mga pangunahing bida ng stage musical na Little Shop of Horrors na mapapanood hanggang July 28 sa Maybank Performing Arts Theater sa BGC. Ayon sa singer ay mahirap din ang kanyang ginagawa bilang isang theater actor. “Theater singing is very difficult for me. Kasi sa klase ng music na ginagawa ko with the thing that I do for my career, it’s very soft spoken. Kahit na bumibirit ako, it’s very placed. With theater that’s not the case. Talagang nakabato talaga boses mo and it’s exhausting especially sa kagaya ko na medyo matagal nang hindi nagte-theater. So medyo nasanay na ako ulit na composed. Ngayon medyo nahihirapan ako na ilabas ulit ‘yung type of singing na ginagawa ko before sa theater,” pagtatapos ng singer.

(Reports from JCC)

Show comments