^

PSN Showbiz

Inigo, suportado ang desisyon ni Maris

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo, suportado ang desisyon ni Maris
Inigo Pascual

Suportado ni Inigo Pascual si Maris Racal sa mga pinagdadaanan ng aktres ngayon. Inamin sa publiko ng dalaga noong isang linggo ang tungkol sa hiwalayan nila ni Rico Blanco. Napanood umano ni Inigo ang naging pahayag ng aktres. “I saw it, actually watched it. I feel for her. I know it’s tough but I see it in a good light. The way she talks about it, she’s getting to know herself. She’s choosing herself. That’s something I’m very proud of her. It’s a choice for her to turn a page, turn a chapter. It’s hard to do that,” bungad ni Inigo sa ABS-CBN News.

“It’s out of a good heart, ‘yung ginagawa ni Maris. Hindi siya masama, walang masamang nangyari, anything, It’s out of a good intention. And her, expressing that it’s not a third party. It’s not anything else, it’s her. Choosing herself, getting to know herself more, only the strongest people can do. I’m happy for her for choosing herself, to be strong for herself. Hindi madali ‘yon,” dagdag pa ng binata.

Matatandaang nagtapos ang relasyon nina Maris at Inigo noong 2018. Matagal na ring walang komunikasyon sa pagitan ng dalawa. Para sa binata ay mahalagang kilalanin at mahalin muna ang sarili. “Minsan mas mahirap piliin ‘yung sarili mo kaysa sa mga bagay na gusto mo. Minsan you get blinded by the things you want, the things you’re comfortable with. Like me, going to the States. I feel like it’s a parallel situation. It’s not the ideal move for me, but when you learn about yourself, it’s a big step,” makahulugang pahayag ng singer-actor.

Jessa, ayaw nang magpuyat

Mamayang gabi na gaganapin sa The Theater ng Solaire ang The Original Prince of Pinoy Pop concert ni Dingdong Avanzado. Magiging espesyal na panauhin ng singer ang asawang si Jessa Zaragoza at anak nilang si Jayda Avanzado. Ayon kay Jessa ay talagang tutok ang mister sa bawat detalye ng concert. “Working with Dingdong, grabe ang attention to detail. Maiiyak ka, grabe ‘yan! Kaya through the years na magkasama kaming mag-asawa, marami na kaming shows na napagsamahan. 23 years na kami mag-asawa. So ang tagal na naming nagpe-perform together. Natutunan ko na rin ‘yung ways niya. Every show, pinag-iisipan niya talaga na gusto niya hindi lang 100% ‘yung ibigay niya,” pagbabahagi ni Jessa.

Hindi man aktibo sa telebisyon at pelikula ay masaya naman ang singer-actress sa takbo ng kanyang karera. “We feel so blessed na nandito kami sa pagkakataon sa career namin na we can choose kung ano ‘yung trabaho na gusto naming tanggapin, na hindi naman lahat nakakagawa ng gano’n. Hindi na ito ‘yung point sa buhay namin na nakikipaghabulan kami. Kasi very grateful na din naman kami sa naiambag namin sa music industry. So ngayon ang mas nai-enjoy ko na mga projects, kung sakaling dumating, feeling ko meron akong iba pang kailangan gawin, medyo hindi ko muna tatanggapin ‘yon. Hintay na lang ako sa susunod. Ang priority ko talaga ngayon ‘yung family ko,” giit niya.

Ayon kay Jessa ay mayroong na siyang mga tinanggihang proyekto partikular na ang paggawa ng serye. “Natatanggihan ko kasi honestly nahihirapan na talaga ako sa puyat. Hindi na ako bagets, hindi ko na keri! Isang reason kasi ‘yung commitment na kailangang hindi ka mag-a-absent. Hindi ka pwedeng umalis ng six months. Parang gusto ko pa din mas ma-enjoy ‘yung singing career ko. Parang feeling ko dapat pipili ka lang ng isa,” pagtatapat ng singer-actress. — Reports from JCC

vuukle comment

INIGO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with