Parang naiintindihan ko ang kalagayan ngayon ni John Estrada. Marriage is a partnership. Kahit anong mangyari basta matatag kayong harapin ito, sure na hanggang wakas kayong dalawa pa rin ang magkakasama.
Hindi puwedeng isa lang ang makikipaglaban. Isa lang ang matibay ang loob. Dapat pareho kayo na lumalaban. Ok nagkamali ‘yung isa, pero dahil ikaw ang asawa nandiyan ka para intindihin ito.
Hindi puwede na nagkamali, basta ka na lang susuko. Puwedeng may katwiran ang asawa niyang si Priscilla Meirelles. Pero puwede pa rin sigurong habaan ang pang-unawa.
Sayang ang mga taon na pinagsamahan ninyo kung basta mo na lang itatapon. Kung puwede pang ipaglaban, ilaban pa.
Sa nakikita ko naman, John Estrada is a very good person. At mukha namang may paggalang sa responsibility niya. Unawain na lang natin na isa itong journey na dapat harapin ni John Estrada. At alam namin he will pass the test with his head high.
Basta laban lang sa buhay, John, kaya mo iyan.
Ka Tunying at Rossel, walang tigil ang pag-alala
Naku buti na lang ipinaalala sa akin ni Gorgy Rula na birthday pala ni Rossel Taberna sa Sunday. Napakalaki ng utang na loob na dapat kong tanawin sa asawa ni Ka Tunying Taberna.
Imagine na mula nang magkasakit ako hanggang ngayon tuluy-tuloy ang pagbibigay nila ng champorado at sopas sa akin.
Nakakahiya man pero talagang walang hinto ang pag-alala nila kahit pa nga nag-request na ako na ok na pero patuloy pa rin ang pagmamahal na ipinapakita nila sa akin.
Imagine mo na hindi kami nagkikita o nagkakausap man lang, pero nandu’n pa rin ang love ng mga Taberna sa akin.
Utang na loob ko na tatanawin for the rest of my life.
Love you, happy birthday, Rossel.