Barbie, na-gong ni Ryan
MANILA, Philippines — Bumirit si Barbie Forteza kahit hindi siya singer sa guesting niya sa It’s Showtime. Pero na-gong siya ni Ryan Bang na biro lang naman.
Siyempre pa, natanong kay Barbie ang boyfriend niyang si Jak Roberto. Naikuwento tuloy niya kung paano siya nahalikan sa labi ng BF.
“Naku, inihatid niya ako. Beso lang sana ‘yon. Eh nakatingin siya sa likod ng sasakyan, pagbalik niya ng tingin, sa labi ko tumama ang mga labi namin. Hahaha!” saad ni Barbie.
Kahit may ka-loveteam si Barbie, mas nagiging matatag ang relasyon nila ni Jak na mapapanood sa pagtatapos ng Black Rider.
Pokwang, may pahaging na nakunan
Umarya na naman si Pokwang sa ex-partner na si Lee O’Brian matapos manahimik saglit.
May quotes mula kay Pokie na umano’y tinawag niyang “demonyo” ito at umano’y nakunan ng isang anak.
Ibigay na natin ang hilig ni Pokwang dahil hindi naman natin alam ang iba pang detalye ng paghihiwalay nila, huh!
- Latest