Japan ambassador, nag-ikot sa GMA
MANILA, Philippines — Mainit na tinanggap ng GMA Network President at CEO na si Gilberto R. Duavit, Jr. ang Japan’s Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya sa GMA Network Center noong July 12, 2024.
Kasama ni Ambassador Endo ay ang Director of Japan Information & Culture Center Matsuda Shigehiro, Press Officer Shigeyoshi Rintaro, at National Staff members na sina Angela de la Rama at Dyan Lamando.
Samantala, kasama naman ni Duavit ang GMA Network Executive Vice President and CFO Felipe S. Yalong at Senior Vice President and Head of GMA Integrated News and GMA Regional TV and Synergy Oliver Victor B. Amoroso.
Sa kanyang mensahe, inalala ni Duavit ang paglulunsad ng international channel ng Network sa Japan at binigyang-diin ang kasalukuyang partisipasyon ng GMA talents sa iba’t ibang kaganapan doon. Nabanggit din ni Duavit ang collaboration ng Network sa Japanese government sa socio-civic projects.
Nagpasalamat naman bilang tugon si Ambassador Endo sa hospitality ng GMA at kinilala ang naging papel nito sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Binigyang-diin din ni Ambassador Endo na ang partnership sa pagitan ng Japan at GMA Network ay higit pa sa pagiging magkaibigan, “it is a tapestry woven with threads of shared dreams, culture, and mutual respect,” dagdag pa nito na ang Network ang naging instrumento sa paglalapit ng kultura ng Hapon sa mga Pilipino.
Pagkatapos ng opisyal na pagbisita nito, nalibot ng Ambassador ang newsroom ng network at nagkaroon ng eksklusibong panayam kay Vicky Morales ng GMA Integrated News.
- Latest