Bossing Vic, may oras pang maglaro

Vic Sotto
STAR/File

May PlayTime rin pala si Bossing Vic Sotto.

Yup, sa kabila nga ng kanyang kaabalahan sa Eat Bulaga at paghahanda para sa Metro Manila Film Festival 50 entry na The Kingdom, with Piolo Pascual, ambassador pala siya ng isang online gaming platform sa bansa.

Sa isang photo at video shoot nga kamakailan, sinamahan si Bossing ng mga executive ng PlayTime para sa paghahanda upang ilantad na naglalaro siya ng online game.

Mahigit apat na dekada na rin sa showbiz si Bossing Vic at kumbaga ay naabot na niya lahat ng mga level ng kasikatan from dominating noontime TV show ratings sa Eat Bulaga!; prolific and remarkable feat as a TV sitcom star; and movie actor and producer of commercially successful films, hindi siya tumitigil na palawakin pa ang kanyang lipad upang mapansin naman ang presensya online at harapin ang hamon bilang hari ng multimedia entertainment.

“It is truly heartwarming and a privilege to continue my mission to bring fun, entertainment and happiness in the daily lives of Filipinos, anytime and anywhere,” ani Bossing Vic sa isang bagong dagdag niyang trabaho.

Hindi raw ito masamang gawin dahil tinanggap ni Bossing pero inuulit niyang ‘wag paikutin ang buhay sa ganitong laro.

Mas importante aniya na maging responsible sa kahit anong gawin.

Samantala, inaasahang kakaibang Bossing ang mapapanood sa The Kingdom dahil si Piolo ang kasama na ididirek ni Mike Tuviera.

Show comments