Dingdong, wala sa hitsurang papatulan ang mga parinig ni Willie

Dingdong Dantes
STAR/File

MANILA, Philippines — Whew ang haba ng hanash ni Willie Revillame sa kanyang programang Wil to Win sa katapat niya na Family Feud hosted by Dingdong Dantes tho hindi niya binanggit ang title nito.

Base sa survey, hindi ni Willie napataob sa rating ng programa si Dingdong.

Talak ni Willie, hindi binili sa ibang bansa ang kanyang programa. Hindi rin daw importante sa kanya ang rating.

Kaya naman natawa ang ibang social media users.

Pinaghandaan ng Family Feud ang #HulyoFUNalo nila kung saan hindi lang ang avid viewers nila ang maaaring manalo sa all-new Guess to Win promo, kundi ang mga manonood din ng ibang programa nila sa hapon.

Ayon sa Kapuso Primetime / Box Office King “Uulan ng saya at babaha ng papremyo” sa programa niya. Ang nasabing slot ang iniwan ni Willie nung nawala siya sa GMA.

Kilalang ‘di mapagpatol si Dingdong kaya inaasahang ‘di sasagot si Dingdong.

Show comments