^

PSN Showbiz

Kylie, nagiging normal sa bagong karelasyon!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kylie, nagiging normal sa bagong karelasyon!
Kylie at BF
STAR/File

Taong 2018 nang magpakasal sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Pagkalipas ng mahigit dalawang taon ay nakumpirmang nagkahiwalay na ang mag-asawa. Ngayon ay masaya nang muli ang buhay pag-ibig ni Kylie. Non-showbiz guy ang kasintahan ng Kapuso actress. “Yeah! Ipinaglaban ko din ito. Bakit lahat na lang? Bakit pinapahirapan ako,” natatawang pagtatapat sa amin ni Kylie sa Fast Talk with Boy Abunda.

Maraming nang natutunan ang aktres mula sa bagong karelasyon. Ayon kay Kylie ay mayroon din siyang mga natuklasan sa sarili dahil sa nobyo. “Na-reveal sa akin ‘yung mga ugali ko na ayaw kong tanggapin. Everyone has ego, na-reveal ‘yon sa akin. In some way mas hinarap ko siya ngayon, this time ‘yung mga imperfections ko. Kasi nagku-connect siya sa pagiging nanay ko, me as a person. This relationship, really, tinuruan ako. I learned and I love learning. And in this relationship, I’m much more humbled now. Ibang klaseng growth. I think of everything in life as may ituturo siya sa iyo. So, there’s a way for you to grow in every­thing na nangyayari sa iyo. And it keeps going until you die, right? Mayroon din akong lesson dito sa relationship ko ngayon. It taught me just to trust myself more talaga, and not to be scared of myself,” makahulugang pahayag ng aktres.

Hindi artista ang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres ngayon. Para kay Kylie ay ibang-iba ang sitwasyon kapag hindi kasamahan sa industriya ang karelasyon. “He’s outside. The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work life to my personal life. Kapag work life, I work, artista ako, I’m an actress. It’s a different world, very different world. And when I’m with my partner, whoever, I’m normal again. I’m just Kylie. I’m Kylie that grew up in Australia. I’m Kylie na nanay lang ako. I do normal nanay things. I love that. There’s no trying to keep up to a certain image with the partner. Dito is separate,” paliwanag niya.

Dalawang lalaki ang naging anak nina Kylie at Aljur. Mayroon pa ring komunikasyon sa pagitan ng dating mag-asawa para sa kanilang mga anak. “Yes, we co-parent. Madalas like kapag kukunin niya ‘yung mga bata. We talk more on may bagong ugali ‘yung anak namin. Tingin ko kailangan niyang sabihan or to guide them. Sasabihin ko and same thing with him, batuhan lang kami. We’re trying to make as consistent as possible,” pagbabahagi ni Kylie.

Bilang isang single mom ay sinisikap ng aktres na makasama at maalagaan palagi ang dalawang anak. Magpipitong taong gulang na ang panganay nina Kylie at Aljur na si Alas Joaquin at maglilimang taong gulang naman ang bunsong si Axl Romeo. “I just wanna be present, like really present with my kids. But siyempre dahil single mom ako, I have to to think like work. I have a small business, so I have to think about business. So sometimes, naiisip ko worth it ba lahat ng oras na nawawala sa pagiging nanay. I wanna be present for everything. Creative ako eh, so I need to work din. It’s everyday battle,” paglalahad ng Kapuso actress. (Reports from JCC)

vuukle comment

KYLIE PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with