^

PSN Showbiz

Heart, sinamahang magdasal sina Josh at Bimby

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Heart, sinamahang magdasal sina Josh at Bimby
Michael. Josh, Heart at Bimby
STAR/File

Makikita sa video na ipinost ng official fan page ni Kris Aquino ang paghawak kamay nina Heart Evangelista at anak ni Kris na si Bimby sa isang short prayer bago kumanta ng isang church song.

Kasama rin nila ang Filipino fashion designer na si Michael Leyva na kaibigan ng former Queen of All Media at ng misis ni Sen. Chiz Escudero at mukhang ito ang naging daan para magkita ang mga ito matapos bumisita ni Heart sa shop ng kaibigan.

Komento nga ng netizens ay nakaka-touch daw makita si Heart na nakikipag-bonding sa mga anak ni Kris na sina Josh at Bimby.

Kaya naman patuloy na pinagdarasal ng mga tagahanga niya ang paggaling ni Kris at wish pa nga ng mga ito na makabalik pa siya at magkaroon pa ng talk show na tila naging Oprah Winfrey raw noon ng ‘Pinas.

Kasalukuyan ngang nasa Amerika pa si Kris para magpagamot habang nasa Pilipinas ang mga anak nito.

Maaalala ngang binisita rin ng mga anak ni Kris ang first lady Liza Marcos kung saan binigyan nila ito ng regalo na tila isang Hermes box.

Nagkaroon din kamakailan ng interview ang bunso ni Kris kay Ogie Diaz kung saan nagbigay ito ng update tungkol sa kalagayan ng kanyang mommy. Doon din nito nabanggit na ilang taon din bago niya natanggap ang sakit nito at inaming natataranta siya tuwing nanghihina ito.

Napuri rin ito kung gaano kabait at saksi rin daw si Boy Abunda kung paano nito alagaan ang mommy niya.

Samantala, nagkatrabaho naman sina Kris at Heart sa teleseryeng Hiram.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with