^

PSN Showbiz

Basted kay Kathryn... Jericho, kumatok bago nanligaw kay Janine!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Basted kay Kathryn... Jericho, kumatok bago nanligaw kay Janine!
Janine at Jericho
STAR/File

Isang laugh emoji lang ang sagot sa akin ng ilang taong malapit kay Janine Gu­tierrez sa pangungulit ko kung totoong nanliligaw ba si Jericho Rosales sa aktres.

Kamakailan lang ay kumalat ang kuha ng dalawa na nasa National Museum sa Maynila na silang dalawa lang.

Sa IG post ni Janine ay nag-comment doon ang ina niyang si Lotlot de Leon ng, “Ah excuse me po…sino po kasama mo nagpunta diyan? Hmmmm.”

Sinagot ito ni Jericho ng, “Nag-doorbell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso eh.”

Mukhang nanliligaw nga itong si Jericho, at ‘yun din naman ang narinig namin sa ilang sources.

Kasi naman sabi ng isang reliable source namin, binasted daw ni Kathryn Bernardo si Jericho.

Ang isa pang narinig namin tungkol kay Kathryn, isang non-showbiz guy raw ang talagang nakatutok at pursigido sa panliligaw sa aktres.

Hindi naman daw si Alden Ri­chards, at para lang daw ‘yun sa kanilang pelikula.

Pelikula ni Vice, inakusahang kinopya!

Meron na agad intrigang ini-raise ni Atty. Ferdinand Topacio pagkatapos ihayag ang limang script na ipapasok sa 50th Metro Manila Film Festival. Kaagad umalma ang celebrity lawyer at film producer ng Borracho Films na kopyang-kopya raw ang kuwento ng And The Breadwinner Is… starring Vice Ganda sa isang 1955 movie na pinamagatang Higit sa Lahat nina Rogelio dela Rosa and Emma Alegre. “Narinig ko ‘yung synopsis e. It’s the same plot!” bulalas ni Atty. Topacio na kinuwento pa ang kuwento.

“Nagulat lang ako. I don’t know the copyright. Nagulat lang ako… hindi original e. But if you’re going to adapt… katulad ng Moises Padilla Story, ni-remake ni Anthony Alonzo, puwede naman ‘yun remake.” himutok ni Atty. Topacio.

Kaagad niyang ipinara­ting ito sa chairman ng MMDA at ng MMFF na si Atty. Don Artes nang magkaroon na ng open forum.

Ang sabi lang ni Chairman Artes sa kanya, “We’ll take note of your comment or observation, and we’ll discuss this sa Executive Committee po. We will decide on that matter.”
Hiningan ko na rin ng reaksyon diyan ang chairperson ng Selection Committee na si Boots Anson Roa-Rodrigo.

Ani Tita Boots, “Kagaya nga po ng sinabi ni Chairman, this is something that we can look into and it’s subject to research.

“And even without research, as somebody in the industry, alam naman po natin na sa pagsusulat at pag-conceptualize ng istorya o ng script, there are only… as we learn in school, there are only 33 plots that you can work around, and it’s so really very hard to be very original ‘di ba?

“At saka meron naman po tayong tinatawag na mga hango, adaptations, inspirations from. And therefore as long as the producers are transparent about this, that they give credit. And ‘yun nga po, wala pong problema sa intellectual property rights, and I think we have the rules that we can invoke about that. I don’t think it’s really the problem.”

Na-curious tuloy ako sa pelikulang ito na sinabi ni Atty. Topacio, kaya sinilip ko sa YouTube, at parang hindi naman.

Hindi ko tinapos ang pelikula pero parang may pagkahawig ang kuwento, pero sa tingin ko hindi naman kopyang-kopya.

Saka hindi pa naman natin napanood ang kabuuan ng And The Breadwinner Is… nina Vice Ganda at direk Jun Lana, kaya mahirap pang husgahan, kung kinopya nga ba talaga.

Kaya nung hiningan ko na rin ng reaksyon ng producer nitong si direk Perci Intalan, ayaw na niyang patulan.

Base sa limang script na in-announce nung Martes, parang dalawa lang dun ang masasabing kampante kang tatabo sa takilya.

Given na dun ang pelikula ni Vice Ganda, pero maaabot ba nito o ma-surpass ang P800M or more ng Rewind?

Medyo nakakatakot pa itong The Kingdom nina Vic Sotto at Piolo Pascual dahil action/drama ito.

Ipinasok ang musical film na Himala, at alam naman natin ang kapalaran sa takilya ng mga musical film.

‘Yung horror ng Reality Films ay si Enrique Gil doon ang masasabing big star kasama si Jane de Leon.

Tingnan pa lang natin itong sa GMA Pictures na Green Bones, dahil wala pa tayong ideya kung gaano ito ka-suspense at drama.

Hopeful naman ang buong Executive Committee ng MMFF dahil sa suporta ni President Bongbong Marcos, lalo ngayong taong dinaluhan pa ng First Lady Liza Araneta-Marcos ang launching nito nung Martes.

“Hindi lamang po sa MMFF ‘yung tulong na ibinibigay ng ating Pangulo, ng ating First Lady kung hindi, sa buong industriya po at buong taon,” dagdag ni Atty. Artes.

vuukle comment

JANINE GU­TIERREZ

JERICHO ROSALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with