Naging bahagi na ng sistema ko ang paggawa ng artworks. (the art of FU ha!) Gabi ako kung magsimula, minsan inaabot ng hatinggabi o kaya naman madaling araw. (tulog na ang asawang, gising pa ako!) Pero wala akong sinusunod na schedule. Basta may oras, go lang ako. (feeling artist!) Wala rin akong sinusunod na emosyon, malungkot man o masaya, basta feel ko, game at ilatag na ang materyales. Pero sa bawat paggawa ko, nandyan ang puso at isipan ko. (may basbas ko ang bawat painting!)
Nitong mga nakaraan ay nadadalas ang pagsalang ko aking art space. (baka kasi puno ako ng emosyon!) Ang bawat matapos ko ay idi-display ko ng ilang araw sa bahay, tapos dadalhin ko sa aming FUk art gallery. (para maihanay sa mga magagandang obra!) Madalas ipo-post ‘yan ng staff sa social media accounts ng gallery at ipapadala ang litrato sa mga kliyente at kaibigang kolektor. (for kumikitang kabuhayan purposes!)
Nakakatuwa lang dahil nitong mga huling araw, ay puro mga kasamahan sa media ang sumuporta. (baka pinilit at binantaan!) Una, sa mga gumetlak ay si Eat Bulaga Executive Jenny Ferre. Maliban sa sapatos, nangongolekta rin talaga sya ng paintings. (mga pangmayaman!) Hindi nagdalawang isip nang makita nya ang dalawang obra ko na may kinalaman sa abundance. (may hatid na swerte ‘yan ma-dame!)
Naging mabilis din ang mata ni Former TV5 News Desk Officer Carisa Manuel Pancho sa dalawang Art of Fu pieces na sumasalamin sa pananampalataya. (hindi salamin salamin ng Bini ha!) Hindi na nya pinakawalan pa. (bakit may agawan ba?!)
Dalawa rin ang kinuha ni “Celebrity Car Maker” John Lopez na isa ring certified art collector at paboritong puntahan ng mga artista para magpa-customize ng kanilang artista van. Ilan sa mga kliyente nya sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo at Coco Martin (‘di ko lang sure if kasama si Julia Montes at kanilang mga….. aaaay!)
Tig isang artwork naman ang di pinalagpas nina TV Producer Marge Natividad at Newsman Erel Cabatbat para maging bahagi ng kani-kanilang mga koleksyon. (pwede pa magdagdag ha!)
Puno ng pasasalamat ang aking puso sa mga sumusuporta mula noong nagsisimula palang ako sa paggawa ng artworks hanggang ngayon na mas binibigyan ko ng oras ang talentong ito. (woow.. may talent talaga ha?!)
Sa ngayon ekslusibong makikita ang The Art of Fu sa FUk art gallery na may instagram na @fukgalleryartsoul at facebook na FUk gallery. (buyla na, may promo ngayon, ang bibili ay may libreng kiss!)
Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon. FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patre-on: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com