Si First Lady Liza Marcos ang naging special guest kahapon sa grand launching ng Metro Manila Film Festival 50th edition under the theme Sine Sigla sa Singkuwenta na ginanap sa Manila City Hall.
Kasabay ng grand launch ang announcement ng first five official entries na pinili sa 39 submitted scripts.
Tulad nga noong nakaraang taon, 10 movies ang magiging official entries this year.
Noong 2023 ay nag-decide silang gawing 10 entries dahil sa overwhelming na response ng mga local producer.
At kabilang ngang maglalaban-laban sa unang limang entries sina Vic Sotto, Piolo Pascual, Vice Ganda at marami pang iba.
Narito ang limang napili ay ang mga sumusunod :
1. ‘And The Bread Winner Is’- Vice Ganda (ABS-CBN Film Production /Idea First). Directed by Jun Lana
2. ‘Green Bones’- Dennis Trillo, Sofia Pablo (GMA Films). Directed by Zig Dulay
3. ‘ Strange Frequencies: Haunted Hospital’- Jane De Leon, Enrique Gil (Reality Film). Directed by Kerwin Go
4. ‘Himala: Isang Musikal’- Aicelle Santos, Bituin Escalante (Kapitol Films/ Unitel). Directed by Pepe Diokno
5. ‘ The Kingdom’- Vic Sotto and Piolo Pascual (APT, MZet/MQuest). Directed by Michael Tuviera
Ang City of Manila ang host ng 50th anniversary of the MMFF.
Pero maraming nakalatag na activities ang MMFF bago pa man ganapin ang MMFF sa December.
Hindi nagbigay ng speech si First Lady pero kilala itong supporter ng Philippine arts and culture.
Idiniin ni MMDA Chair Atty. Don Artes ang significant support for the film industry ng MMFF, “Nais kong banggitin na simula 2016, ang mga amusement taxes na nai-wave ng mga LGUs para sa MMFF ay 100 porsyento nang inilaan sa ating mge benepisyaryo tulad ng Movie Workers Welfare Fund (Mowelfund), Film Academy of the Philippines (FAP), Motion Picture Anti-Film Piracy Council, Optical Media Board, at Film Academy of the Philippines - isang pagkilala sa kanilang napakahalagang kontribusyon sa industriya,” pahayag ni Atty. Artes kahapon sa grand launch na nagsilbing host sina Jake Ejercito at Isabelle Daza.
Ipinakita rin kahapon sa isang commemorative video ang impact ng MMFF sa pelikulang Pilipino sa loob ng limang dekada kasabay ng paglulunsad ng 50th-anniversary logo at kanilang bagong trophy.
Sa August ay magkakaroon ng launching ng MMFF classic poster mural. Pagdating ng September ay gaganapin ang Sine-Singkwenta featuring 50 selected Filipino movies na ipalalabas sa mga sinehan na P50 lang ang bayad sa mga sinehan.
Pagdating ng October ay magkakaroon ng regional launch ang MMFF50 kasama na ang Student Film Caravan sa Universidad de Manila in partnership with FDCP.
Magkakaroon din ng celebrity golf tournament na malamang na ganapin sa Malacañang at MMFF50 Masterclass.
December 15 naman gaganapin ang Parade of Stars at may Movie Premiere week from Dec. 15 to 20 at pagdating ng Dec. 21 ang sponsors Night at ang Gabi ng Parangal sa Dec. 27.
Bago na nga ang trophy nila, crafted by renowned Filipino artist Jefre.
Nagsimula naman talaga ang annual filmfest sa Maynila.
Inulit ni MMFF Chair Don Artes na kung sa 800 cinemas ipinalabas ang mga pelikula noong MMFF 2023, ngayong 2024, “we like to cover 900 cinemas.”
Welcome na rin daw ngayon ang product placements na dini-discourage noon.
Ito ay upang makatulong diumano sa mga producer dahil alam nila kung gaano na kamahal ngayon ang gastos sa paggawa ng pelikula.
Pero aniya, pag-uusapan pa ang mechanics at hindi naman parang commercial na ng isang produkto.
Magkakaroon din ulit ng Manila International Film Festival sa Los Angeles at nakikipag-usap na raw sila sa mga organizer doon.
Ang anunsyo ng susunod na apat na finished films ay sa Oktubre 15 (Martes).
Nalampasan ng MMFF 2023 ang target at nadoble ang kita, layunin ng MMFF 2024 na lumikha ng mas magagandang pelikula at magbunga ng mas malaking kita sa takilya.
Ang pelikulang Rewind ang nag-number 1 sa MMFF 2023 na kumita ng mahigit isang bilyon na nagbigay ng Box Office Heroes award sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera mula sa 7th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).
Ang nasabing pelikula ang masasabing bumuhay talaga sa movie industry matapos ang ilang taong pandemya last year.
Tinaob ng DongYan movie ang kinita ng pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye.