^

PSN Showbiz

SB19 at BINI, ibang level na ang kasikatan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
SB19 at BINI, ibang level na ang kasikatan
SB19

Windang ako sa girl group na BINI.

Ganun na pala sila kasikat. Lalo na ‘yung kanta nilang Pantropiko at Salamin Salamin.

Mabuti naman at least lokal group naman ang kibabaliwan ng fans kahit ng mga kabataan.

Nauna nang sumikat ang SB19 at sa totoo lang, hanggang abroad pala ang kasikatan nila.

May isa akong kakilala na nagbiyahe pa galing Amerika para panoorin ang concert nila sa Pilipinas kamakailan.

Imagine, ganun ‘di ba.

BINI

Parang mas naunang sumikat ang SB19 kesa sa BINI pero ang nakatutuwa baliw na baliw sa kanila ang Pinoy fans.

Lagi raw sold out ang mga concert nila at mga show.

At ang nakakatuwa, memorized ng mga kabataan ang kanilang mga kanta.

Hangad ko na magtuluy-tuloy ang kanilang pagsikat para naman hindi pulos Korean artists ang iniidolo nila na pinagkakagastusan pa ang mga concert ng fans. Kaya pati local endorsement nakuha na nila.

Pati mga artista natin pino-promote rin sila.

Ito, sariling atin. Kumbaga maari nating ipagmalaki na pride natin sila.

Wala namang masama na mag-idolize ng mga Korean star o pop singer pero malaking bagay na meron tayong sariling grupo na iniidolo ng buong bayan at sikat sa abroad.

Bongga.

vuukle comment

ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with