First-ever pre-GMA Gala dinner, gabi ng pagtitipon at pasasalamat

Malapit na muling rumampa sa red carpet ang biggest and brightest stars ng Philippine showbiz.

Ilang araw na lang at mukhang ready na ang Kapuso stars sa kanilang looks this year. Masisilayan na rin ang kanilang glamorous outfits.

Para mas ramdam ang excitement, ginanap ang kauna-unahang pre-GMA Gala dinner sa The Whisky Library orga­nized by Sparkle GMA Artist Center.

Sa pangunguna nina Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle Vice President Joy Marcelo, nagkaroon ng simpleng gathering ang Kapuso artists bilang pasasalamat ng GMA Network.

Star-studded ang kauna-unahang Pre-GMA Gala dinner dahil sa pagdalo nina Dingdong Dantes, Michelle Dee, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Miguel Tanfelix, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at marami pang iba.

Show comments