^

PSN Showbiz

Mikael at Megan, hinihintay na kung kailan magkaka-baby

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ang cute naman ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez kung saan ang misis nito na ang nagturo sa kanya ng choreography.

Ang kanyang ‘dancerist wife’ raw ang kanyang naging choreo dahil hindi siya naka-attend ng rehearsal dahil sa kanyang iba pang commitments.

Nagkaroon daw sila ng once-in-a-lifetime chance na mag-perform sa OG Running Man concert pero dahil busy nga siya ay silang mag-asawa ang nag-practice kaya sila nagkaroon ng video na ganon. Sey nga niya sa kanyang caption ay proud siya sa achievement nila.

Makikita sa video na mahaba ang pasensya ng dating beauty queen sa pagturo sa mister pero hindi nila mapigilang matawa sa kanilang ginagawa.

“Pinagsama dalawang bano sa sayaw,” sey pa ni Megan.

Pinayuhan pa nito si Mikael na “Fofo, dancer mindset. Eme mindset. Confidence is key,” para mas palakasin ang loob ng mister.

Pero mukhang nakahanap ng bagong bonding ang dalawa at sabi ni Mikae ay “PS. Bonez, we should dance more! Hahaha,” na na-enjoy rin ang pagsasayaw nila at hindi rin nawawala ang lambingan nila.

Pati nga ang netizens at ibang cast ng Running Man Ph ay naaliw sa kanilang video.

Bongga.

Pero kelan kaya sila nagpa-planong magkaanak?

Imagine, ang ganda siguro ng magiging anak nila kung sakali.

Da­ting Miss World si Megan at ang tangkad at gwapo ni Mikael kaya imagine na lang ang magiging hitsura ng anak nila kung sakali na tiyak na magiging artista rin.

vuukle comment

MEGAN YOUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with