^

PSN Showbiz

Kim, bumawi sa inspirasyon ni Alden!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kim, bumawi sa inspirasyon ni Alden!
Kim Chiu.
STAR/ File

Inilunsad si Kim Chiu bilang brand ambassador ng bagong beauty products na Face by Bloom.

Gawa sa Korean expertise ang beauty products na ito na bumagay sa Korean beauty ni Kim, pero swak sa pag-nourish sa Filipina skin, sabi nga ni Kim.

Kagaya ng ibang produktong ini-endorse nito, sinubukan daw muna ni Kim, dahil kailangang mag-switch mula sa dati niyang ginagamit.

Sabi nga niya sa nakaraang launch nito noong Sabado na ginanap sa Atrium ng SM The Block; “The first time I tried ‘yung product ng Face by Bloom, bago kami mag-pictorial sinubukan ko muna siya sa face ko, kasi gusto ko ‘pag nilalagay ko siya parang ipo-promote ko siya as how I experienced the product.

“So ako, sensitive ‘yung skin ko… sobrang mabilis siyang ma-irritate. But with Face by Bloom, sobrang skin-friendly siya, and sa mga starters na kasisimula pa lang mag-skincare routine, parang this is the best product na puwede nilang gamitin. And very easy steps lang, and konti lang ang kailangan nilang gawin in order for them to have a blooming face by me.”

May mga pahaging kung sino ang nagpapa-bloom sa kanya, pero siyempre nagpaka-safe na lang siya ng sagot.

Pero bago dumalo si Kim sa launching nitong bago niyang endorsement, kuwelang-kuwela ang Kapamilya actress sa It’s Showtime na kung saan nag-guest doon si Alden Richards nung araw na ‘yun para sa promo ng Pulang Araw na magsisimula na sa GMA Primetime sa July 29.

Si Kim naman ang nangantiyaw kay Alden kung sino raw ba ang nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

“Parang may inspirasyon ka naman ngayon, Alden! Parang ‘yun naman ‘yung patutunguhan ng tanong ni Kuya Vhong.

“Meron ka bang message sa inspirasyon mo ngayon?” hirit ni Kim.

“Grabe naman ‘to!” bulalas ni Alden nang hiningan ito ni Kim ng mensahe para sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

“Puwede naman magulang, mga fans, ito naman si Alden o!” bawi ni Kim Chiu.

Kaya sagot naman ni Alden; “Sa mga nagbibigay ng inspirasyon sa akin, maraming salamat sa inyo dahil kayo ang bumubuhay sa aking ginagawa.

“Nag-e-enjoy naman ako siyempre at least para makita naman at ma-proud sa akin ang mga taong ito.”

Sa totoo lang, ang daming netizens ang natuwa sa ginawa ni Kim sa guesting ni Alden nung araw na ‘yun.

May mga nagko-comment pa na parang bagay ring mag-partner sa isang project sina Kim at Alden.

Pero ang gusto talaga ng fans ay si Paulo Avelino ang ka-partner nito.

Ang lakas ng tili ng fans na “Avelino!” kapag tinatawag ang pangalan ni Kim.

Hindi man naidetalye ang kung nasaan ang puso ni Kim Chiu, ang mahalaga lang daw ay masaya lang.

Nung hiningan nga namin ng payo sa mga mag-ex na nagge-guest sa Expecially For You, ang sabi lang niya; “Just be happy. Kasi ‘pag happy ka sa loob, magiging happy ka rin sa labas. ‘Yun ‘yung sikreto para maging masaya ka.

“Dapat everyone happy, everybody happy, para fresh, blooming ganun.”

Bukod sa It’s Showtime ay mapapanood na rin si Kim Chiu sa pagsisimula ng PBB at nakatakda siyang lumipad pa-Amerika sa susunod na buwan para sa ASAP Natin ‘To na gagawin sa Ontario, California.

Mylene, na-pressure kay Marian!

Nagbabalik-Cinemalaya si Mylene Dizon pagkatapos siyang napansin noon sa pelikulang 100 na nagmarka rin sa naturang independent film festival.

Bukod sa 100 ay bahagi rin ang aktres sa isang entry sa Cine­malaya 2012 na Aparisyon, sa pelikulang Marikina noong 2014 at Belle Douleur noong 2019.               Sa ngayong taong Cinemalaya 20, kasali si Mylene sa entry ni direk Law Fajardo na The Hearing.

Kuwento ito ng isang batang bingi na biktima ng pang-aabuso, at sobrang nagustuhan ito ni Mylene na kung saan siya ang gaganap na ina nung batang inabuso.

Hindi na raw siya nakatanggi nang inalok ito sa kanya ni direk Law Fajardo na direktor din nila sa Pamilya Sagrado.

“Nung kinuwento niya sa akin, I really, really wanted to be part of it. I thought it was a very moving and important project to do lalo na ngayon,” pakli ni Mylene sa nakaraang press conference ng Cinemalaya 20, Lalim, Loob at Lakas.

Mahirap din daw ang project na ito at talagang nakakapagod daw sa loob ng pitong araw na shooting nila.

“It was very, very tiring. We had only seven days to shoot. And we really put our hearts into this kaya how can you say ‘no’ to Direk Law?

“When you see the film, it’s very, very emotionally taxing,” dagdag niyang pahayag.

Siyempre, pinag-uusapan din sa Cinemalaya ang entry ni direk Kim Oebanda na Balota dahil si Marian Rivera ang bida rito.

Lalong pag-uusapan ito kapag magtapat sila ni Marian sa kategoryang Best Actress.

“Walang ganyanan! Walang ganyanan! We are here for the film. We are here for the project,” bulalas ni Mylene.

Mas masaya kasi kapag ganyang pagtapatin silang dalawa.

“For you guys probably. For us, it’s not exciting. That’s pressure!” buwelta naman ni Mylene Dizon.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with