Mga bata pa lamang noon ay magkaibigan na sina Julia Montes at Kathryn Bernardo. Kahit madalas na pinagtatapat sa nakalipas na dekada ay hindi naman daw kailanman nagkaroon ng kompetisyon sa pagitan ng dalawa. “Ang layo na po ng mga narating namin, ‘yung mga pangarap namin. Sabi ko nga, kami ang magkapatid by heart. Kami ang love team by heart,” bungad ni Julia sa ABS-CBN News.
Ayon sa aktres ay talagang suportado nila ni Kathryn ang isa’t isa sa lahat ng kanilang mga ginagawa. Proud umano si Julia sa lahat ng mga tinatamasa ng kaibigan ngayon. “Sobrang saya ko po every time nakikita ko siya na binibigyan ng parangal na nano-nominate siya. Ako ang pinaka-proud sa kanya. Kung ano ang success ng isa, ganoon din po ang saya ng isa. Hindi nakikita ‘yon ng tao sa social media, pero sobrang supportive ni Kathryn,” kwento niya.
Umaasa si Julia na muli silang mabibigyan ng pagkakataon ni Kathryn na magkasama sa isang proyekto. “We’re really praying and hoping po na merong magandang project na ibigay po sa amin. Kasi iba rin makipag-work sa tao na alam mo at mahal mong katrabaho. So sana hopefully soon, magkaroon ng project for us,” nakangiting pahayag ng aktres.
Maris, nagluluksa pa
Kinumpirma ni Maris Racal na nagkahiwalay na sila ni Rico Blanco. Tumagal ng limang taon ang relasyon ng dating magkasintahan.
Hindi naging madali para sa aktres ang mga pinagdaanan sa mga linggong nakalipas. Para kay Maris ay talagang naramdaman niya kay Rico ang tunay na pagmamahal pero may nangyaring hindi nila inasahan.
Nakikiusap si Maris lalo na sa netizens na unawain muna ang kanilang sitwasyon ni Rico ngayon. Nakahanda umano ang dalaga sa mga masasakit na salitang na maaaring ipukol sa kanila ng dating nobyo. “I would like to humbly ask the public to look at us, Rico and I, with understanding and love because we are both grieving. ‘Di naman mako-control ‘yung opinion ng mga tao. But please don’t direct your hate towards Rico ‘cause he’s too precious for that. If you guys want to throw some punches, I’m ready to take them,” paglalahad ng dalaga.
(Reports from JCC)