^

PSN Showbiz

Luis at ate Vi, kasado na ang tandem?!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Luis at ate Vi, kasado na ang tandem?!
Vilma Santos at Luis Manzano.
STAR/ File

Parang ipinagkibit balikat lang ni Luis Manzano ang duda ng karamihan na papasukin na niya ang pulitika.

Sa mga nakaraang interviews ay bukas na siya sa posibilidad na tatakbo sa darating na eleksyon. At nitong mga huling araw ay nagiging visible na siya sa Batangas.

Kaya lalong lumalakas ang bulung-bulungang naghahanda na si Luis sa public service dahil dumadalo na ito sa mga mahahalagang events doon.

Last Friday ay kasama ni Secretary/Congressman Ralph Recto si Luis sa isang event sa San Juan, Batangas. May pa-hashtag pa silang #TeamTalinoAtPuso #BagongBatangas #OneBatangas.

Kaya mukhang kasado na ang pagsali riyan ni Luis. Ang narinig nga naming tatakbuhan ng actor/TV host ay Vice Governor daw ng Batangas ka-tandem ang Mommy niyang Star For All Seasons Ms. Vilma Santos  na pinag-uusapang babalik daw bilang Governor ng naturang lalawigan.

Nagpadala ako ng mensahe kay Luis sa kanyang Messenger na sinagot naman niya kaagad.

Tinanong ko siya kung totoong Vice Governor nga ba ang tatakbuhan niya at ang kapatid niyang si Ryan Christian ay sa Kongreso naman daw magpapili. Sabi lang ni Luis; “Naku walang ganung usapan pa (smile emoji). Mas napag-uusapan ng ibang tao (smile emoji).

“May Rainbow Rumble pa (smile emoji).”

Base sa sagot ni Luis na “walang ganung usapan pa,” mukhang meron nang binabalak pero hindi pa pinag-uusapan.

Noong nagmensahe naman ako kay Ate Vi habang nagbabakasyon siya sa Amerika, susuportahan naman daw niya kung talagang handa na ang mga anak niyang pasukin ang public service.

“Siguro susuportahan ko sila, dahil nakikita ko ngayon na handa na ang puso nila.

“Sa ngayon sa totoo lang, nakikita ko ‘yun kay Lucky at Ryan. But again, lahat yan nasa kamay na ng Panginoon. ‘Pag ginusto Niya, nandito kami para sumunod at magsilbi. Siya rin naman ang masusunod,” saad ni Ate Vi.

Tingnan na lang natin ang filing of candidacy sa darating na October.

Biopic ni April Boy, may mga napili nang bida

Pumirma na sa WaterPlus Productions ang mga artistang gaganap sa pelikulang Idol ng Masa, biopic ni April Boy Regino.

Matutuloy na rin finally ang pelikulang ito na matagal ding pinaghandaan ng WaterPlus ni Marynette Gamboa kasama si Efren Reyes Jr. na siyang nagsulat at magdidirek ng film project.

Panahon ng pandemic nung nagkapirmahan ang WaterPlus sina April Boy kasama ang asawa niyang si Madelyn.

Unfortunately, pumanaw si April Boy noong November 2020.

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang WaterPlus at ang pamilya ni April Boy.

Tinapos ang pagsulat ng script, binuo ang staff at nagkaroon ng open audition/look-test na pinagkunan ng bidang aktor na gaganap sa inaasam na papel ni April Boy.

Next week ay sisimulan na ang shooting, na nakatakda na sa July 18 ang “breaking the ice.”

vuukle comment

VILMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with