Naging kapalaran ni Pauleen, walang nakahula!

Vic Sotto, Pauleen Luna-Sotto at mga anak
STAR/ File

Siguro naisip ako ni Pauleen Luna Sotto habang inaalagaan sina Tali at Mochi. Tumawag at nagtanong kung anong food ang craving ko at kung type ko ang atis.

Imagine mo na hindi mo aakalaing magiging domesticated si Pauleen dahil sa edad niya nang mag-asawa. Pero from the look of it parang very caring housewife and mother siya.

At to think nasa edad ang mga anak niya na malilikot at playful. Imagine, ang patience na inilalagay ni Pauleen para sa pag-aalaga ng kanilang mga anak ni Vic Sotto.

Pero saan mo mang anggulo tingnan si Pauleen kitang-kita mo na contented at very happy siya.

Thank you, Bossing Vic Sotto, for the happiness and stability you provided for one of my most loving alaga, Pauleen Luna. Bongga.

Chuckie, nagluluksa

Nagluluksa ang aktor na si Chuckie Dreyfus sa pagpanaw ng kanyang ama na si Henry Dreyfus.

Ipinost nito ang throwback photo nilang mag-ama kung saan nakayakap siya sa braso nito noong bata pa siya na may madamdaming mensahe para roon at sa kanyang ina.

Sinabi nitong mahal na mahal niya ito. Hindi nito sinabi kung ano ang dahilan ng pagpanaw nito pero sinabi niyang ginawa nila ang lahat ng makakaya nila na sana raw ay alam nito. Nagpasalamat din siya sa ama para sa lahat ng ginawa nito.

Hiniling din nito sa kanyang tatay na yakapin nito ang kanyang namatay na ina sa langit para sa kanya.

Kasalukuyang napapanood ang aktor sa medical drama series na Abot-Kamay na Pangarap sa GMA 7.

Show comments