^

PSN Showbiz

Dolphy, ‘di malimutan ni Zsa Zsa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Dolphy, ‘di malimutan ni Zsa Zsa
Zsa Zsa Padilla

Hindi pa rin nakakalimot si Zsa Zsa Padilla kay Dolphy na inalala ang 12th year death anniversary the other day.

May pabulaklak ulit si Zsa Zsa sa yumaong Comedy King na pinasalamatan ni Direk Eric Quizon.

“It’s Dolphy’s 12th year death anniversary today. RIP, Lovey. You are always in our thoughts and prayers,” post ni Zsa Zsa.

Sumagot si Eric sa nasabing post ng Divine Diva “As always zsa! thank you for the flowers.”

Of course, partner ni Zsa Zsa sa kasaluku­yan ang sikat na architect, si Conrad Onglao.

Samantala, sa ngayon ay hindi na nauungkat ang pagiging National Artist ng namayapang Comedy King kaya’t hindi na rin iniisip nila Direk Eric.

Maingay ngayon ang usapan sa pagpu-push kay Vilma Santos upang maging National Artist.

“Alam mo, that has always been a question. Maski ang pamilya nga namin, hindi kami ang nagtatanong. Ang nagtatanong talaga mga tao. Bakit nila hindi ino-honor pa rin ang daddy ko na National Artist, although ever since the early 2000s or even before the turn of the century, bago mag-2000 mga late ‘90s parati siyang naso-short list,” reaction ni Eric nang tanungin namin tungkol dito bago ginanap ang The Eddys noong Linggo kung saan siya ang direktor.

Dagdag pa niya : “Parati siyang naso-short list. Now, may nagsabi sa amin na ang rason daw is one; my dad is a woma­nizer. But then again, inaano namin ‘yun...

“Of course, kaming fa­mily, kaming mga tao, nagtatanong sila na parang, oh eh, bakit nga ‘yung mga iba? Bakit kailangan anuhin, ‘yung personal doon sa kakayahan ng tao? O ipinamalas ng tao sa Filipino audience?

“And then, sinasabi naman na ‘yung pelikula daw ng daddy ko wala raw kabuluhan. Puro raw slapstick, puro lang daw patawa, walang ano. Lahat ng pelikula ng Daddy ko talks about family. Parating, my dad always gives importance to fa­mily. Syempre comedy ‘yan eh, so nangyayari sa mga paligid puro katatawanan mga ganyan.

“Whoever was saying that na critics na nagsasabi nun, well, hindi ko alam kung anong pinanggagalingan. Pero sa akin, my question is, I just want to throw back the question, ano bang mas importante? Makabuluhan, ‘yung pelikula o ‘yung nagawa ng daddy ko na napatawa niya ang mga Pilipino?,” mahabang pahayag pa ni Direk Eric sa aming interview.

Anyway, mapapanood ang matagumpay at maningning na 7th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ALLTV, sa Linggo, 10:00 p.m.

Ito ang ikalawang pagkakataon na dinirek ni Eric ang The Eddys.

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with