Mga senior, tinuruang umiwas sa scam!

MANILA, Philippines — Minsan nang nabiktima si Tessie Lumacan, 61, ng phishing scam. Dahil sa isang mensahe mula sa na-hack na Facebook account ng kanyang kapatid, nagpadala siya ng pinaghirapang pera noong namamasukan pa siya sa Hong Kong.

Ang karanasang ito ay nag-iwan kay Lumacan, residente ng Pasig City, ng pangamba sa pakikipag-ugnayan online at nagpapaalala sa kanya ng kahalagahan ng digital literacy.

Kaya naman ang Senior Digizen Learning Session ng Globe ay naging isang oportunidad para sa kanya at iba pang mga nakatatanda para matutunan kung paano makakaiwas sa scam at magamit nang epektibo ang digital tools.

Kamakailan, dinala ng Globe ang Senior Digizen campaign sa San Miguel Elementary School sa Barangay San Miguel, Pasig City, kung saan nasa 80 na mga senior mula sa iba’t ibang barangay ng Pasig ang nagtipon sa kalahating araw ng pag-aaral ng digital skills.

May 45 Globe volunteers na umagapay sa mga senior habang tinuturuan sila ng paggamit ng mobile phones at apps gaya ng GCash at KonsultaMD, pati mahahalagang kaalaman tungkol sa cybersecurity.

At lahat ay nagpapasalamat dahil marami raw silang natutunan.

Ang mga ganung feedback mula sa senior ay nagpapatunay sa kahalagahan ng mga inisyatiba tulad ng #SeniorDigizen campaign, na bahagi ng mas malawak na digital inclusion program ng Globe. Layon ng kampanya na tulungan ang seniors na maranasan ang mga benepisyo ng paggamit ng digital technology at makaiwas sila sa mga scam.

“Nais din naming mawala ang kanilang pangamba sa teknolohiya at maprotektahan sila mula sa mga panganib online,” ani Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe.

Show comments