Nagbigay ng opinyon si Jessy Mendiola tungkol sa isang kamakailan ay nag-trend kung saan kinukunan ng fans ang kanilang sarili sa libingan ng yumaong aktor na si Rico Yan.
Aniya nasaan na sa salitang “disente.”
Sinabi ito ni Jessy kalakip ang isang artikulo na tumatalakay kung paano umani ng mga negatibong reaksyon ang trend sa social media, na makikita sa Instagram Stories ng comebacking actress noong Martes, Hulyo 9.
Ipinunto ng ilan na ang libingan ni Rico ay tila naging “tourist attraction” habang binibisita ito ng mga tagahanga para sa kanilang social media content.
“Wala na bang magawang matino ang mga social media addicts? Konting respeto naman sa namayapa na at pati na rin sa pamilya ng yumao. Susme.
“Lahat na lang ba para sa likes, followers and views? Nakalimutan na yata ng mga tao ang salitang ‘respeto.’ Wala nang decency,” komento niya pa sa story na 24 hours lang tumatagal.
Nag-iwan din ng komento ang aktres sa Instagram post para sa artikulo, na “Very disrespectful. Tsk.”
Na totoo naman.
Ngayon, alang-alang sa social media content, hindi na inaalala ang respeto hindi lang sa isang namayapa na tulad ni Rico 22 years ago. Kahit sa privacy ng ibang tao, ginagamit para pagkakitaan.
Namatay nga si Rico sa Palawan, Biyernes Santo noon, habang nagbabakasyon sa edad na 27.
Hemorrhagic pancreatitis ang sinasabing cause of death niya.
Marami siyang naging hit movies na katambal si Claudine Barretto bago pumanaw.