^

PSN Showbiz

Boy, magiging guardian na ni Bimby!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Boy, magiging guardian na ni Bimby!
Bimby, Boy at Kris

Ang bongga naman ni Boy Abunda na anumang desisyon ng anak ni Kris Aquino na si Bimby sa kanyang showbiz career ay pangako nitong gagabayan niya ito.

Nakabalik na nga si Bimby sa Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral niya matapos ng matagal nitong pagtira sa US kasama ang mommy nito para samahang magpagamot.

Nakita raw ng TV host kung gaano nito alagaan si Kris at kung paano nito pangalagaan ang bahay nila. Kuwento ni Boy sa GMANetwork.com matalino raw ito dahil alam niya ang mga gamot ng mommy niya at si Bimby rin ang nagpapatakbo sa bahay nila habang may sakit ang kanyang mommy.

Pero wala pa raw ideya si Boy sa mga plano nito sa showbiz. Kakausapin pa raw niya ito sa mga susunod na araw.

Pangako nga niya ay anuman ang maging desisyon nito ay nariyan lamang daw siya para gabayan ito palagi.

Proud na proud nga siya kay Bimby at bilib siya sa galing nito kaya tatanungin daw talaga niya ito.

Hindi raw siya parent kundi tatayo siyang guardian ng anak na bunso ni Kris. Hindi raw niya alam pero kinakabahan siya. Ng-promise siya na aalagaan at aalalayan si Bimby.

Nang tanungin siya kung siya ba ang magi­ging showbiz manager nito ay kahit hindi raw nito hilingin ay siya ang magiging manager nito. Kung hindi naman daw siya gagawing guardian nito ay magpupumilit siya dahil nakita raw niya ang paglaki nito.

Maaalala nga na nang lumabas si Kris sa Fast Talk With Boy Abunda, nagpasalamat ito sa ninong ng kanyang anak dahil nangako raw si Boy na anuman ang mangyari ay meron siyang dalawang kaibigang lilipad para samahan ang anak na sina Joshua at Bimby. Pinangako raw pala kasi nito sa show nito na kung may mabalitaan ito tungkol sa kanya ay sasakay agad ito ng eroplano para samahan siya nito kaya pinapaubaya niya na ang anak nito sa kanyang ninong.

Pagaling ka, Kris. Nawa’y makauwi ka ng bansa na wala nang karamdaman.

vuukle comment

BOY ABUNDA

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with