^

PSN Showbiz

Marian, trending sa straight english!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon
Marian, trending sa straight english!
Marian Rivera

MANILA, Philippines — Matatawa ka talaga sa kumalat na video ni Marian Rivera na nagtatanong sa isang contestant sa isang search!

Lumabas ang pagiging natural na komedyante niya sa question and answer portion ng isang male contestant sa super bod contest ng isang brand ng canned good.

Tagalog ang unang tanong ni Yan tungkol sa social media sa guy. Eh parang may lahi ang contestant kaya nagsabi siya na paki-translate sa English.

“Dumami ang followers mo sa social media nu’ng naging finalist ka. Papaano mo gagamitin ang opportunity na ito kahit natapos na ang competition na ito?”

Sinunod naman ni Yan ang request. Pero bago ang English question, humirit si Marian ng, “Listen carefully!” Saka niya binanatan ang isang straight English na walang buckle, huh!

“Here’s my question.

“Your social media following grew when you became a finalist. How will you use this opportunity even after your Superbod journey?”

Buwelo muli ni Yan after ng tanong niya, “Do you understand?” na may kasamang ngiti.

Of course, college graduate si Marian. May nagdududa sa kakayahan niyang magsalita ng English pero marunong niya kahit minamaliit ang kakayahan niya.

Winner ang eksenang ‘yon ni Marian kaya trending muli siya at tuwang-tuwa sa kanya ang lahat dahil ang akala nila hindi kakayanin ni Marian na mag-English ng instant.

Well. Pahiya sila.

Pero ba’t ganun, hindi ba makaintindi ng Tagalog ang contestant na ‘yun?

Kawawa naman ang sariling atin.

Simpleng tanong pinapa-English pa.

Dennis at Jennylyn, magpoprodyus na rin!

Pinasok na nga mag-asawang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado ang production dahil nagtayo na sila ng sariling production.

Overdue na ito dahil matagal na sa showbiz at marahil eh may ipon na rin silang dalawa at kakayahang mag-produce ng movie o kung ano pa man. Puwede ring concert dahil marunong kumanta sina Jen at Dennis.

Another milestone sa mag-asawa ay ang balitang nagpapagawa na sila ng sariling bahay, huh!  

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with