Joshua at Bimby, nagdala ng pasalubong kay Mrs. Liza Marcos

Joshua, First Lady Liza Marcos, at Bimby Aquino

Maraming na-touch at na-shock nang i-post ni First Lady Liza Marcos na binisita siya ng magkapatid na Joshua and Bimby Aquino. May dala pang pasalubong ang magkapatid sa misis ni Pres. Bongbong Marcos.

Common knowledge ang kumbaga ay history ng pamilya Marcos at pamilya Aquino.

Caption ni FL Liza “Thank you for taking time off to visit me, Bimby and Josh

“my pasalubong! ”

May maliit na box ng Hermes sa pasalubong ng mga anak ni Kris Aquino kay Mrs. Marcos.

Ang designer na si Michael Leyva ang naging tulay sa naganap ng courtesy visit ng dalawang binata ni Kris na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa Amerika pero diumano’y nagbabalak nang umuwi sa bansa.

Bestfriend ni Kris si Michael Leyva na gumagawa rin ng mga gown para sa Unang Ginang.

Show comments