Star studded Eddys mapapanood na sa ALLTV, dongyan nanguna sa box office heroes

SPEEd members (from left) Rito Asilo (Inquirer), Nathalie Tomada (Philippine Star), Anna Pingol (PikaPika.ph), Jun Lalin (Abante), Nickie Wang (Manila Standard), Dinah Ventura (Daily Tribune), Gie Trillana (Malaya Business Insight), Tessa Mauricio-Arriola (The Manila Times), Eugene Asis (People’s Journal), Salve Asis (Pilipino Star Ngayon / Pang Masa), Ian Farinas (People’s Tonight), Jerry Olea (PEP.ph), Maricris Nicasio (Hataw), Dondon Sermino (Abante), Ervin Santiago, (Bandera), Rohn Romulo (People’s Balita), Janiz Navida (Bulgar), Bobby Requintina (Manila Bulletin) and Neil Ramos (Tempo).

Mapapanood na sa July 14, 10:00 p.m., sa ALLTV ang maningning 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice na ginanap noong Hulyo 7, 2024, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.

Bukod sa acting categories, naging highlight din ng 7th EDDYS ang Box Office Heroes na first time pinagkaloob ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).

Pinangunahan ito ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na kumita ang pelikula nilang Rewind ng mahigit isang bilyon.

Naging entry ito sa MMFF 2023 na sinira ang lahat ng box office records, pinakamalakas na pelikula na sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Sumunod na pinakamalakas ang horror movie ni Piolo Pascual na Mallari. Kaya naman tumanggap din siya ng Box Hero Award at dagdag na karangalan na nanalo pa siyang Best Actor.

Marian Rivera at Dingdong Dantes

Personal din tinanggap ni Julia Montes ang kanyang Box Office Hero sa 7th EDDYS para Five Breakups And A Romance.

Ang ganda ng suot ng mag-asawang Dingdong at Marian - barong and modern Filipiniana na makikita mong enjoy din sa panonood ng programa. Nag-story pa nga si Marian ng acceptance speech ni Enchong Dee na nanalong Best Supporting Actor para sa pelikulang Gomburza.

Anyway, nang tanggapin ni Dingdong ang kanyang Box Office Hero trophy sinabi niyang “Hindi lang po dahil sa napakagandang kuwento ni Enrico Santos kung hindi pati na rin dahil sa naging experience po namin sa buong pelikula.

“Mula sa story conference, mula sa shooting, sa promotion, lahat. And I think higit sa lahat dahil lahat po ito nangyari kasama ko ang aking mahal sa buhay, ang aking misis.

Julia Montes

“Kaya very, very memorable po. Kaya maraming salamat po sa pagkilala, at sa alaalang ibibigay nito sa amin dahil forever po talaga namin itong…

“Tuwing makikita namin, maaalala namin yung pelikulang ito. Pero sa tingin ko, gusto ko rin pong i-share ito sa mga tao na bumuo ng pelikula.

“The men, women behind the film Rewind. Our co-creators, Star Cinema. APT Pictures, Agosto Dos Pictures. Sa aming direktor na si Mae Cruz.

“Sa aming cast, si Joross Gamboa who’s also here with us right now. Lahat po ng bumubuo, maraming-maraming salamat.

“At siyempre, sa mga nanood. Sa mga tumangkilik, sa mga bumili ng tiket. ‘Yung mga nakiiyak sa amin, maraming-maraming salamat po sa inyo.”

Kaya naman hirit ni Marian, nasabi na lahat ng kanyang mister ang gusto rin niyang sabihin.

“Nasabi mo na lahat. Ha! Ha! Ha! Siguro ano lang po, walang sawa at siguro hanggang nabubuhay kaming mag-asawa, lahat ng ito ay iniaalay namin kay Lods.

“Hindi magiging posible ito kung hindi dahil sa Kanya. Kaya Lods… para sa Iyo ito!”

Todo rin ang pasasalamat ni Julia kay Lord na bukod sa tinanggap na Box Office Hero trophy, siya rin ang tinanghal na Best Actress.

Aniya sa isang post kahapon, “Isang pangyayari sa buhay ko na sobra kong naramdaman na grabe tlga ang blessing ni LORD

“Before doing #FiveBreakupsAndARomance ang dami kong tanong sa sarili ko “ kaya ko ba?” “Bakit ako?” Dahil maraming pagkakataon na ako mismo nagtatanong sa kakayanan ko.

“Pero nakilala ko ang aming director na si Direk @ayrin , tinuruan nya akong pahalagahan ang sarili at paniwalaang kaya ko ang mga bagay bagay. Unang pagkakataon ko yata sa mga nagawa kong pelikula na excite akong ipakita sa mga kaibigan ko ang pelikula dahil proud ako sa proyekto at masaya ako sa pagkabukas ko bilang actor sa pelikulang kasama ang aking mahal na kaibigang si @aldenrichards02.

“I will never have the chance na makatanggap ng Best Actress if not with my Best Actor kong si Lance. PAR, salamat sa suporta at pagpapalakas ng loob ko sa pelikula natin.

“Cornerstone Studios , Myriad and GMA Films salamat sa pagtaya sa mga panahong bumabalik pa lamang ang pelikula. Thank you din sa masisipag na staff and crew na sobrang minahal ko. Naging madali ang lahat dahil sa mga katrabahong naging kaibigan ko.

“To my tito @visionerickson salamat sa paniniwalang kaya kong ganapan si Justine.

“Salamat kay Kuya @macmerla sa support sa lahat ng pagkakataon mahal kita at sa aking pinakamamahal na Momsky @takasqueen na laging nasa tabi ko , i will never be able to finish this film without my Momsky i love you ! Thank you po po Tita @malousantos03 sa inyong wisdom, expertise at pagmamahal.

“Thank you SPEED And THE EDDY’s AWARD for this recognition. Sobra pong nakakataba ng puso.”

Samantala, emosyonal naman magkapatid na CJ at Peach Caparas sa posthumous award ng kanilang ama na si Direk Carlo J. Caparas.

Kabilang naman sa pinarangalan na Icons sina Eva Darren, Nova Villa, Gina Alajar, at Leo Martinez.

Si Korina Sanchez na nagtamo ng Joe Quirino Award ay nag-present  din sa isang category, bago dumiretso sa Araneta Coliseum para sa 60th Binibining Pilipinas.

Samantala, kabilang naman sa presenters sina Senator Bong Revilla, Congresswoman Lani Mercado, Cedrick Juan, James Reid, Direk Jose Javier Reyes, Joross Gamboa, Arnelli Ignacio, RS Francisco, at Ms. Liza Reyes ng Globe.

Presenters din sina Kelley Day, Michael Sager, Jeric Gonzales, Franki Russell, Christophe Sommereux, Beaver Magtalas, Khai Flores, Shaira Tweg, at ang acting director ng PCSO na si Bb. Imelda Papin.

Ganundin ang mga mga dati nang nanalo na sina Elijah Canlas, Max Eigenmann at  Nikki Valdez.

Anyway, opening number si Jed Madela ay kumanta at nag-keyboard sa In Memoriam segment si Ogie Alcasid. Ganundin ang RAMPA Reynas  finale ang mga baguhang sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Present din ang artist ng bagong trophy ng 7th EDDYS na si Leandro Baldemor.

Andun nang gabing ‘yun ang mga nominadong sina Romnick Sarmenta, Keempee de Leon, ganundin sina Direk Chris Cahilig, Ron Angeles, Christine Dayrit, Bambbi Fuentes, Ms. Joy Andrade ng Newport World Resorts at marami pang iba.

Habang si Mr. Fu ang nagsilbing red carpet host.

Ito naman ay dinirek ni Eric Quizon at line produced ng Brightlight Productions.

Naging host ng 7th EDDYS sina Gabbi Garcia, Jake Ejercito, at Janine Gutierrez.

Fresh ang combination nilang tatlo at impressed ang mga nakapanood.

Ang ganda rin ng mga suot nilang modern Filipinina at barong kay Jake.

Standing Room Only (SRO) ang Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom habang ongoing ang awards.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kaagapay ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary.

Katuwang din ng SPEed ngayong taon sa The EDDYS sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Rep. Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, iFern, Kim’s Diary, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

Mapapanood nga ang kabuuan ng 7th EDDYS sa Linggo, July 14, 10:00 p.m. sa ALLTV. 

Show comments