Korean Model, football player, hindi bitter sa pagiging biktima ng mga kawatan

Yi Young-Park

Grabe, naloka naman ako sa kuwento ng Korean football player na si Yi Young-Park, na kasalukuyang nasa Pilipinas para bumisita, ay nadukutan daw nang hindi matukoy na halaga ng pera sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Isinalaysay ng atleta ang insidente sa pamamagitan ng kanyang Instagram page noong Hulyo 4, na ipinakita ang isang video na nakunan niya ng mga salarin.

“It happened in front of One Bonifacio, I was walking on the street and six women were surrounding me for quite a long time. Three people were in front of me, blocking my path to prevent me from walking quickly, and others were close behind me and then the people nearby suddenly dispersed and I noticed something strange,” salaysay nito.

“So I checked my bag immediately and it was too late. The zipper was opened; they had stolen my wallet,” he continued.

Matapos daw kunin ang kanyang wallet, nagtatakbo umano sa magkahiwalay na grupo ang mga umano’y mandurukot, kaya nahihirapan siyang sundan ang mga ito. Buti na lang at naabutan ni Yi ang dalawa. “I caught up with a group and asked for my wallet back. They started making loud noises, asking me if I was crazy, saying, ‘We didn’t take your wallet,’ and getting angry and overacting,” pag-alala niya.

“It became clearer that they had stolen it. I asked the nearby guard for help to stop them because they had stolen my wallet, but the guard could not provide any help,” chika niya pa sa nabasa ko.

Nagpumilit pa raw si Yi sa paghabol sa mga kawatan at sinabing ibalik ang kanyang pitaka.

Nawala raw ang kanyang pera.

Kaya ang payo niya  “Sana manatiling alerto at ingat kayong lahat na hindi na mauulit ang ganitong bagay. Be safe everyone,” aniya sa English sa kanyang Instagram post.

Inulit naman niya sa comments section, na wala raw siyang sinisisi at mahal pa rin niya ang Pilipinas sa kabila ng hindi magandang pangyayari.

Sana lang daw may natutunan tayo sa insidenteng ito, at mababawasan nito ang bilang ng iba pang biktima.

Hindi bongga ang mga ganitong kuwento.

Pero sa totoo lang, parang ang tagal na ring hindi ako masyadong nakakabalita tungkol sa dukutan ng wallet.

Ganun pa man mag-ingat pa rin tayo.

Show comments