Dinagsa ang ika-unang anniversary celebration ng Radyo 630 at Teleradyo Serbisyo na Puntahan ng Bayan: Nagkakaisa sa Pagseserbisyo, kung saan nakisaya ang ilang news anchors at naghandog ng libreng public service booths bilang pasasalamat sa mga taga-kinig at manonood na sumuporta sa mga programa at adhikain nito sa publiko.
Nakisama ang Radyo 630 anchors at hosts, gaya nina Alvin Elchico, Doris Bigornia, Winnie Cordero, Tony Velasquez, Peter Musngi, Migs Bustos, DJ Jhai Ho, Ahwel Paz, at iba pa habang may surprise performances din ang Kapamilya singers na sina Angeline Quinto at Khimo Gumatay, pati halakhakan mula sa komedyanteng si Pooh.
Tampok din sa anniversary event na ginanap sa Market! Market! Activity Center ang samu’t saring free public service booths mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, tulad ng PhilHealth, Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), PAG-IBIG, at TESDA, pati libreng medical check-up, legal services, psychic reading, quick repair, pagupit, at pakain.