Janine at Elijah, tinanggap ang award nila last year!

Piolo Pascual.
STAR// File

Noong isang gabi lang finally natanggap ni Janine Gutierrez ang kanyang Best Actress trophy sa nakaraang Entertainment Editors’ Choice  or The EDDYS.

Nagsilbi ngang host ang itinanghal na Best Actress sa 6th EDDYS  para sa pelikulang Bakit Di Mo Sabihin? kasama ang Kapuso Millennial It Girl na si Gabbi Garcia at movie at TV actor Jake Ejercito.

Ganundin si Elijah Canlas na nagulat din nang sabihin ng kanyang co-presenter na si Nikki Valdez na tatanggapin niya rin ang kanyang Best Actor trophy na napanalunan din niya last year.

Anyway, ginanap nga noong nakaraang Linggo ng gabi ang The 7th EDDYS sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts.

Nagkaroon ng espesyal na pagtatanghal rito ang ang award-winning singer na si Jed Madela, Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid, drag queens Rampa Reynas at ng mga promising young artists na sina Elisha Ponti at Andrea Gutierrez.

Nagsilbing Red Carpet host naman ang veteran radio-online personality na si Mr. Fu.

Naging isa sa mga highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry na kinabibilangan nina Nova Villa, Leo Martinez, Lito Lapid, Eva Darren, at Gina Alajar.

Isang posthumous award din ang ipinagkaloob sa yumaong comic strip creator, movie producer at direktor na si Carlo J. Caparas, na tinanggap ng kanyang mga anak na sina Peach at CJ Caparas na emosyonal at todo ang pasasalamat sa ipinagkaloob na parangal ng samahan ng mga entertainment editors, ang Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.

Iginawad naman ng SPEEd ang The EDDYS Box Office Heroes kina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Piolo Pascual na malaki ang ambag sa muling pagbangon ng Philippine movie industry.

Ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan) ay personal na tinanggap ni dating Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson habang ang tumanggap ng parangal para kay QC Mayor Joy Belmonte ay ang kanyang amang si dating Mayor at Cong. Sonny Belmonte.

Ang Joe Quirino Award ay personal ding tinanggap ng beteranang broadcast journalist na si Korina Sanchez, habang ang veteran entertainment columnist na si Ronald Constantino na ginawaran ng Manny Pichel Award ay nagpadala ng mensahe.

Ngayong taon, ang Ri­sing Producer Circle Award ay tinanggap ng Mentorque Productions, ang nag-produce ng mga pelikulang My Father Myself at Mallari na tinanggap ni Bryan Dy.

Bahagi ng pasasalamat niya “Receiving this award is not just a personal achievement but a reminder of the responsibility we have to the industry. It fuels my passion and determination to create more meaningful and impactful projects. It is my personal goal and Mentorque Productions  commitment to championing newcomers in our industry. To the established institutions of this industry, we hope to collaborate with you in the future. Let us build a culture of inclusivity, together we can cultivate a nurturing environment that fosters creativity and innovation so that we can catch up on the challenges of the world stage.

“As we continue on this path, we promise to be an asset to our industry, striving to elevate Filipino cinema to new heights. I am excited for the future and the projects that lie ahead. Let’s continue to tell our stories, celebrate our culture, and inspire the world with the beauty and richness of Philippine cinema.

“Thank you once again SPEED for this incredible honor. I am truly grateful and inspired to do more, be more, and give back to the industry that has opened my eyes to its immense power, its power to unite all of us, so that we can be proud of who we are. Mabuhay ang Eddys, Mabuhay ang Speed, Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.”

Bukod sa Rising Producer award, naiuwi rin ng pelikulang Mallari ang mga sumusunod na award :

Best Sound - Imman and Nerrika

Best Musical - Von De Guzman

Best Production Design - Marielle Hizon

Best Cinematography - Pao Orendain

Napanalunan naman ng pelikulang About Us But Not About ang major categories : Best Picture, Best Director for Jun Lana, Best Screenplay, and Best Editing.

Gulat naman si Piolo nang tawagin ang kanyang pangalan bilang Best Actor.

Unexpected daw dahil nga matitindi rin ang mga nakalaban niya sa pagka-best actor.

Ang mga nakatunggali niya sa naturang acting category ay sina Elijah Canlas (Keys to the Heart), Dingdong Dantes (Rewind), Cedrick Juan (GomBurZa), Alden Richards (Five Breakups And A Romance), at Romnick Sarmenta (About Us But Not About).”

Dumalo nung Linggo sina Dingdong, Elijah, Cedrick, at Romnick.

“Nanginginig pa rin ako. I was not expecting to win, so forgive me for shaking. I share this award to all the nominees — Romnick Sarmenta, you are my best actor,” bahagi ng speech ni Papa P.

Aniya pa, “I hold this close to my heart because it comes from friends in the industry.

“Thank you so much as we celebrate Philippine Cinema, I am reminded of the task we have at hand to not just celebrate but carry on. We are living a good trail to be inspired with what we do…para sa pelikulang Pilipino,” dagdag na mensahe ni Piolo.

Ang Brightlight Productions ang line producer ng ginanap na awards night.

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama pa rin ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim’s Diary bilang major sponsor.

Katuwang din ng grupo ngayong taon si DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Rep. Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Congressman Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, Pili Ani at ang Echo Jham Entertainment Production.

Nagsilbi namang official auditor ang Juancho Robles, Chan Robles & Company (CPAs).

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas.

Narito ang iba pang nagwagi sa 7th The EDDYS:

BEST SCREENPLAY

Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)

BEST CINEMATOGRAPHY

Juan Lorenzo “Pao” Orendain (Mallari)

BEST PRODUCTION DESIGN

Mariel Hizon (Mallari)

BEST EDITING

Lawrence S. Ang  (About Us But Not About Us)

BEST MUSICAL SCORE

Von de Guzman (Mallari)

BEST SOUND

Immanuel Verona, Nerrika Salim (Mallari)

BEST VISUAL EFFECTS

Ryan Grimarez, Macky Rayanon, Tawong-Lipod Creative Studio (Shake, Rattle & Roll Extreme)

BEST ORIGINAL THEME SONG

Sa Duyan ng Bayan (GomBurZa)

Performed by Noel Cabangon, Ebe Dancel and Gloc-9

Samantala, bukod sa mga nanalo, naging presenter din sa 7th EDDYS sina James Reid,  Frankie Russel, Jeric Gonzales, RS Francisco, Mon Confiado, at marami pang iba.

Show comments