Melai, ayaw ipagtanggol si Jason sa pambababae
Maglalabingdalawang taon nang kasal sina Melai Cantiveros at Jason Francisco. Nabiyayaan ng dalawang babaeng anak ang mag-asawa. Sa mahigit isang dekada ay marami na ring nalampasang pagsubok sina Melai at Jason.
Para sa komedyana ay talagang naramdaman niya mula kay Jason ang tunay na pagmamahal taliwas sa mga napababalita tungkol sa diumano’y pambababae ng mister. “Sobra ang swerte ko sa asawa dahil siya ang pinaka-faithful sa lahat. ‘Yan ang problema online, hindi mo maiwasan dahil hindi naman nila alam. So gagawa sila ng… (isyu). Kasi gwapo naman si Jason. Hindi naman namin kailangang mag-explain sa kanila. Ang asawa ko naman ang sabi, ‘Huwag mo akong ipagtanggol sa ganyan. Parang iisipin nila may isyu talaga,’” kwento ni Melai sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.
Malaki ang pasasalamat ng aktres dahil sa mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya ng ABS-CBN. Nawala man ang Magandang Buhay ay nagkaroon naman ng Kuan On One na sariling programa ngayon ni Melai.
Patuloy na sinusuportahan ng aktres ang pangangailan ng mga magulang na nakabase sa General Santos City. “’Yung parents ko, si mama isa na lang ang kidney. Nagkasakit sa isang kidney. Si papa naman may prostate cancer. Thank you, God, nasu-survive dahil nabibigyan ng trabaho at nasu-sustain ang needs ng parents,” pahayag ng komedyana.
Kung sakaling magreretiro sa show business ay nais pa rin umanong bumalik ni Melai sa probinsyang kanyang pinanggalingan. “Ang buhay ko sa probinsya is a wonderful and very happy life. Ako kasi mablis makuntento. Anytime na mawalan ng trabaho kaya kong bumalik doon. Wala akong pera noon, masaya na ako. Ano pa kaya kung may pera na ako ngayon,” makahulugang pahayag ng aktres.
‘Kami ni Jessa, we’re not always together!’ - Dingdong
Dalawampu’t isang taong gulang na ang anak nina Jessa Zaragoza st Dingong Avanzado na si Jayda. Hindi na raw naghangad pa ang mag-asawa na dagdagan pa ang kanilang nag-iisang anak. “Kasi parang di ko yata kaya. Kasi nakatira din kami sa Amerika, ang hirap din kasi ng madaming anak, so palipat-lipat kami. Ang hirap, puro next year na lang. Next year na lang, hanggang sa 45 (years old) na ang lola n’yo. Parang hindi na rin kaya talaga. hindi na keribels. Para kaming barkada, feeling ko mas gusto niya mas kami na lang dalawa. Kahit nag-iisa ‘yan, tinodo naman naming lahat talaga, push, push, push talaga kay Jayda,” natatawang pahayag ni Jessa.
“Actually a few years back, we suffered a miscarriage. Hindi natuloy eh. I guess at that time Jessa or we were both dealing with it, from psychological and emotional standpoint. And ‘yun nga eh, merong time element. Pero you never know, never say never,” pagbabahagi naman ni Dingdong.
Sa July 19 ay gaganapin ang ‘The Original Prince of Pinoy Pop’ concert ni Dingdong sa The Theater ng Solaire. Bahagi ito ng selebrasyon para sa ika-tatlumpu’t pitong anibersaryo ng singer sa show business. Nagbigay ng payo ang mag-asawa para sa mga nagnanais na magtagal din ang pagsasama tulad nila. “Dapat merong me time ‘yan eh. So kami ni Jessa, we’re not always together. But at the end of the day, we are together and we tell our stories kung ano ‘yung nangyari sa araw. And most important thing is to respect each other. When we were starting, hindi pa namin lubos nauunawaan ‘yon or naiintindihan. Pero as time goes on, we kind of got it na. Especially with the Lord’s guidance, na dapat ang Panginoon nasa gitna lang,” pagdedetalye ni Dingdong.
Para naman sa Phenomenal Diva ay ang kanyang paghanga kay Dingdong ang naging susi sa kanilang matibay na relasyon. “Kailangang malinaw ‘yung role ng bawat isa at saka bukas ‘yung mind n’yo sa reality. Sa amin kasi ni Dingdong walang competition. Napanatili namin ‘yung your success is my success. Walang insecure sa isa’t isa. Hindi lang ‘yung pagmamahal ‘yung importante, same level ‘yung respect talaga. And dahil pareho kaming artist, hanggang ngayon nandiyan pa rin ‘yung admiration ko sa kanya bilang artist na Dingdong Avanzado. Marami akong natutunan talaga sa kanya through the years na magkasama kami,” paliwanag ni Jessa. (Reports from JCC)
- Latest