^

PSN Showbiz

Aktres pinigilan ng mister na makipag-ayos sa ina

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Ang asawa pala ang malaking dahilan kung hindi kaagad nagkabati ang isang aktres at nanay niyang naging bahagi ng kanyang career mula sa simula hanggang sa bago siya mag-asawa.

Humahadlang daw ang asawa ng aktres na maging malapit muli sa ina. Kaya taon din ang lumipas bago nagkabati ang ina at ang aktres.

Parang hinaharang daw ng asawa na muli magkalapit ang mag-ina.  Eh masunurin ang aktres kaya naman hinintay na lang niya ang tamang panahon upang lumamig ang galit ng asawa sa ina.

Maayos na ang samahan ng aktres at ina. Pero hindi ang asawa niya ang nanay niya, huh!

Piolo hinandog ang award sa mga kalaban

Congratulations sa lahat ng winners ng The Eddys mula sa SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors na last Sunday ginanap ang parangal.

Tie sa Best actress sina Julia Montes at Charlie Dizon. Tinalo ni Piolo Pascual si Dingdong Dantes at Romnick Sarmienta sa best actor pero wagi ng best pic ang movie ni Romnick na About Us But Not About Us.

Ano ang next award-giving body na magbibigay ng parangal? Luna Awards ba ng Film Academy of the Philippines?

vuukle comment

SPEED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with