FF, mamimigay ng P2 milyon linggu-linggo!
Pasabog ang inihanda ng Family Feud para sa home viewers ngayong buwan ng Hulyo na may #HulyoFUNalo, buwan ng leveled-up entertainment at umaapaw ng blessings!
Simula July 8, hindi lang ang avid viewers ng award-winning game show ng GMA na Family Feud ang may pagkakataong manalo sa Guess to Win promo kundi pati ang loyal viewers ng buong GMA Afternoon Prime block.
Kagaya ng sinabi ng Family Feud host at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, “uulan ng saya at babaha ng papremyo” ngayong July.
Ang limang Guess to Win promo questions ay ipakikita tuwing commercial breaks ng Abot Kamay Na Pangarap, Lilet Matias: Attorney-at-Law, Fast Talk With Boy Abunda, Voltes V: Legacy, at Eclipse of the Heart.
Maaaring isumite ng viewers ang kanilang entries paglabas ng mga katanungan sa kanilang screen. May dalawang karagdagang tanong naman ang itatanong sa mismong episode ng Family Feud.
Maaaring ipadala ng mga kalahok ang kanilang mga sagot sa official promo website na www.gmanetwork.com/FamilyFeudGuessToWin.
Ang mas nakakapagpasabik sa promo na ito ay ang araw-araw na announcement ng mga winner. Kung noon ay kailangan pang maghintay ng viewers ng isang linggo bago nila malaman kung nagwagi sila, ngayon ay iaanunsyo na araw-araw ang pangalan ng winners ng P20,000 sa mismong araw sa Family Feud.
- Latest