^

PSN Showbiz

Piolo, ‘di titigil sa pagiging romantiko

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Piolo, �di titigil sa pagiging romantiko
Piolo Pascual.
STAR/ File

Gabi-gabing napapanood ang Pamilya Sagrado na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Ginagampanan ng aktor ang karakter ni Rafael Sagrado na isang politiko. Matatandaang iba’t ibang role din ang ginawa ni Piolo sa pelikulang Mallari noong isang taon. Malapit nang mapanood ang pelikulang Moro ni Piolo na ginawa ni Brillante Mendoza. Masayang-masaya ang aktor dahil nakagagawa ng magkakaibang karakter na hindi pa naranasan nakalipas na mga dekada. “I guess I have the privilege of living in a time wherein there are a lot of issues people want to talk about. I’m just really happy that I got to portray roles, socially rele­vant or just in the case of Mallari I did not even know that he was a person. For Moro good thing I have the availability and even with the Pamilya Sagrado first time ever I get to play a corrupt politician,” nakangiting pahayag ni Piolo sa ABS-CBN News.

Sa edad na apatnapu’t pitong gulang ay pinagbubutihan na lamang umano ng aktor ang lahat ng mga proyektong ipinagkakatiwala sa kanya. “I guess it is because of the times and also at my age, I’m just happy that I got at least diversify the way that I cannot necessarily choose it. It comes my way, I didn’t choose these roles. These are all just offered to me,” giit niya.

Pumatok nang husto sa takilya ang romantic-comedy fims na pinagbidahan ni Piolo noon. Bukas pa rin ang aktor sa posibilidad sa paggawa ng mga proyekto na may kaparehong tema. “I don’t think I’ll ever graduate doing rom-coms, because ‘yung genre natin, kinalakihan natin iyan eh. That’s timeless eh, no matter how old you are, you can always be romantic. You can always do a love story,” pagtatapat ng aktor.

Kim, nagpa­salamat sa sakit

Maayos na nalampasan ni Kim Chiu ang kanilang naging hiwalayan ni Xian Lim ilang buwan na ang nakalilipas. Tumagal ng labingdalawang taon ang relasyon ng dating magkasintahan. Para kay Kim ay kinailangan niyang maging matatag noon dahil na rin sa kabi-kabilang trabaho na kanyang ginagawa. “Kasi hindi naman ako lalabas na sad, na umiiyak. Meron kasing nagsabi sa akin na huwag kong dalhin ‘yung personal kong problema sa harap ng maraming tao. Kasi hindi naman ako ma-explain sa sarili ko kung anong nangyayari sa akin. And i-explain ko sa ‘yo, ‘Uy! Itong nangyari sa akin.’ Ang daming tao sa buong Pilipinas na nanonood ng TV. So sarilinin ko na lang ‘yung pinagdadaanan ko na hirap. Kunyari sa Showtime, tatlong oras lang ‘yan na tawanan. May 24 hours sa isang araw, so pwede na akong bumalik sa sarili ko. Hindi ko dadalhin ang problema sa trabaho,” paliwanag ni Kim sa Kuan On One ni Melai Cantiveros.

Sa halos dalawang dekada na pagiging aktibo sa show business ay maraming mga bagay na ang natutunan ng aktres. Ayon kay Kim ay naging matatag siya dahil na rin sa mga naranasan sa personal na buhay. “Importante rin na mayroon kang kausap para hindi ka mabaliw. I-feel mo lang tapos huwag mong i-deny. Tanggapin mo na gano’n talaga ang nangyari. Hindi mo kasalanan, hindi rin kasalanan ng lalaki or kahit sino, walang may kasalanan. Nangyari lang talaga siya, kasi hindi ka pa pinapa­nganak, ‘yon na ang sinulat ng Diyos. God’s will ang lahat nang nangyayari sa ‘yo. Okay lang tanggapin, magpasalamat ka sa pain, sa happiness and all pero wala kang galit sa kahit sino,” makahulugang pahayag ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with