^

PSN Showbiz

Zia at Sixto, may mga tinanggihang endorsement

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Zia at Sixto, may mga tinanggihang endorsement
Pamilya Dantes
STAR/File

Ang bongga naman ng Kapuso Royalties na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes na may pamantayan bago tumanggap ng endorsement ang mga anak na sina Zia at Sixto.

Common knowledge nga na isa ang pamilya nila sa tambak ang endorsements pero may sey raw ang mga bagets sa pagtanggap nila ng ieendorsong produkto.

Binahagi ng aktres sa Marites University na meron na raw tinatanggihang endorsement ang anak na si Zia kapag hindi nito nagustuhan.

Kapag hindi raw nito pinaniniwalaan ay hindi na nito tatanggapin.

Ganun din daw si Sixto kaya naman may pagkakataong pinadala niya sa kanilang bahay ang produkto at pinatikim muna sa bunso at ‘pag nagustuhan, binabaon pa sa school.

‘Pag ganun ay sinabi niyang i-shoot na iyon.

Pero nilinaw ni Marian na mas gusto muna nila ng mister na makatapos ang mga anak sa pag-aaral at suportado nila kung anong karera ang gusto ng mga ito.

Mother Lily, nami-miss!

Alam mo ba na kahit parang just an issue lang ‘yung pag-uusap tungkol sa mga Chinese pero nakakatakot din ‘pag totoo ‘yung sinasabi nila na magkakaroon ng Chinese invasion.

Naku ha, baka masali sa gulo si Mother Lily Monteverde, hah hah joke joke lang.

Isa sa mga na-miss ko nang magkasakit ako ay si Mother Lily Monteverde. Kasi napaka-thoughtful niya at sweet sa friends niya. Sure ako na matataranta siya ‘pag nabalitaang nagkasakit o kung anumang mangyari sa akin. ‘Yung lahat ng nakakatuwang experience ko sa showbiz, lahat may connection kay Mother Lily. Ang laki ng part niya sa buhay ko.

Love you, Mother Lily, you will always be special to me. Kayo ni Manay Ichu Maceda very special sa buhay ko. Love you two as my showbiz mothers. Bongga.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with