BarDa, patas sa lovelife!

David at Barbie
STAR/File

Suportado ang BarDa loveteam ang premiere night ng pelikulang That Kind of Love nina Barbie Forteza at David Licauco.

Hindi makamayaw ang fans sa pagsigaw ng “BarDa! Barda! Barda!” bago nagsimula ang screening ng pelikula na ginanap sa SM Megamall noong Huwebes ng gabi.

Mensahe ni Barbie sa lahat na dumalo, “Magandang gabi po sa inyong lahat. Maraming-maraming salamat sa pagpunta kahit napakatrapik at balita ko, umulan pa.

“Maraming-maraming salamat po to our friends from the press, sa atin pong mga nagbibigating mga artista na nandirito po ngayong gabi.

“Maraming-maraming salamat po to GMA of course, to Sparkle for the support. Maraming-maraming salamat…

“Sana ay ma-in love tayong lahat sa That Kind of Love.”

Maganda ang feedback sa pelikula, na dinirek ni Catherine ‘CC’ Camarillo. Nagpaganda pa at nagdagdag ng kilig ang South Korea na paboritong location yata ni direk CC.

Pero nung araw ding ‘yun ay kumalat sa TikTok ang kuha kay David na may kasamang girl, na in-assume ng karamihang girlfriend ito ng Kapuso actor.

Hindi naman itinanggi ni David na committed siya sa kanyang non-showbiz girlfriend. At hindi naman ito nakakakumplikado sa loveteam nila ni Barbie.

Open din naman ang relasyon nina Barbie at Jak Roberto. Sinabi nga niya sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk na napapag-usapan na nila ang pagpapakasal. Pero wala pa ito sa mga plano nila sa ngayon.

Nagkakaintindihan naman sina Barbie at David sa kani-kanilang relasyon na labas sa kanilang loveteam.

Ang sabi lang ni Barbie sa interview ni Kuya Boy,“Ang sabi ko na lang sa kanya, mapa-business man ‘yan, relationship or showbiz, I hope you won’t lose yourself.

“Like, ‘yung hindi ka ma-rattle to juggle all those things. Kasi malalaki lahat ‘yan e…malalaking bagay ‘yun lahat sa buhay niya.

“So, ‘yun lang! Just ano… ahhh kailangan alam mo ‘yung priorities mo. Set your priorities straight, and then maybe you can also discipline the relationship, since you’re the man in the relationship. You can discipline it, and even your partner siguro, mas matuturuan mo siya nang maayos ‘di ba? Para mas mag-work ‘yung relationship nyo,” saad ni Barbie.

Naniniwala ang aktres na kahit may kanya-kanya silang relasyon, masuwerte lang talaga sila na nag-work itong loveteam nila at tinanggap ng mga tao.

Hindi raw katulad ng iba na talagang wino-workout nang mabuti para maging effective ang isang loveteam.

“Ilang beses pa ang iba na nagwo-workshop para makabuo ng chemistry.

“Marami pong ganun. Sobrang rare po talaga na magkaroon ng ganito agad, tapos ganito agad ‘yung reception ng mga tao.

“Kaya talagang ano siya, luck talaga! We’re both very happy,”pakli ni Barbie Forteza.

Kaya subukan natin kung eepek ito sa darating na July 10, playdate ng That Kind Of Love.

Xian, nganga sa kuman

Mahina pa rin talaga ang mga pelikulang lokal natin na nagso-showing sa mga sinehan.

Hindi kasi masasabing hindi pa talaga handa ang mga taong manood sa sinehan pagkatapos ng pandemic, dahil gumagastos naman sila kapag gusto talaga nila ang pelikulang papanoorin.

Kagaya nitong Inside Out 2 na talagang namayagpag sa mga sinehan sa loob ng halos isang buwan.

Ang tantiya ng aming source, papasok pa lang daw ito sa ika-4th week ng showing, naka-P800M na ito. Marami pa ring nanonood sa mga sinehan, at natatalo ang mga bagong palabas.

Last week din nag-showing ang A Quiet Place: Day One, at sa loob ng isang linggong showing nito ay naka-P65M daw ito.

Last Wednesday nag-showing ang Kuman Thong na dinirek ni Xian Lim, ayon sa aming reliable source, mahigit P500 thousand lang daw ang first day earnings nito.

Ang kasabay na nag-showing na Despicable Me 4 ay naka-P9.7M daw ang first day nito sa mga sinehan.

Tingnan natin sa July 10 kung lalaban ang That Kind of Love ng BarDa, na kung saan kasabay rin nitong mag-showing ang Marupok AF ni Maris Racal na na-X ng MTRCB sa unang review. Kaya naurong ang showing at nakuha na ang July 10 playdate.

Show comments