^

PSN Showbiz

Kim, inalala ang pinaggastusan ng unang suweldo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim, inalala ang pinaggastusan ng unang suweldo
Kim Chiu
STAR/File

Masayang inalala ni Kim Chiu ang kanyang pagsisimula sa show business. Matatandaang unang nakilala si Kim bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006.

Pagkalabas ng Bahay ni Kuya ay nagdire-diretso na ang iba’t ibang proyekto ng dalaga. Tuwang-tuwa daw si Kim nang matanggap ang unang sweldo noon. “Bumili ako ng maraming pagkain. ‘Di ba sa PBB parang kapag hindi tayo nanalo sa task, tinipid tayo. Tapos no’ng una kahit bumili lang tayo ng hamburger ang hirap. Marami, sinabay-sabay ko ang spaghetti, french fries, chicken, hamburger, sinabay ko lahat. Ang ending tumaba ako. Tumaba nang bongga si girl. Kasi binili niya lahat ng pagkain. Tapos bumili ako ng cellphone na uso noon, ‘yung slide, dalawa ang binili kong cellphone,” nakangiting kwento ni Kim kay Melai Cantiveros sa Kuan On One.

Inakala noon ng dalaga na isang taon lamang tatagal ang kanyang showbiz career. Napamahal na sa trabaho si Kim nang unti-unting natupad ang kanyang mga pinapangarap lamang noon. “No’ng nakabili ako ng bahay, lupa. Tapos binigyan ko ng kwarto ‘yung mga kapatid ko. Kasi wala naman kaming bahay noon. Doon ako naka-decide na dire-diretso na ako rito. Para pa-graduate-in ko ‘yung mga kapatid ko. Bibigyan ko sila ng kung anong magpapabuti sa buhay nila,” paghahahagi ng dalaga.

Jean, masayang mag-isa

Gabi-gabi nang napapanood sa GMA Prime ang Widows’ War na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana. Kabilang din sa naturang serye ng Kapuso network si Jean Garcia. Para sa beteranang aktres ay talagang masayang karanasan na makatrabaho sina Bea at Carla. “They’re both amazing actresses. Ilang taon na rin naman silang artista at mga bida natin ‘yan dito sa GMA. Very professional naman sila, alam nila ang ginagawa nila. Wala naman silang arte. Actually, lahat naman ng artista dito, wala ‘yung nagpapa-star kaya po nagwo-work. ‘Yung ensemble po naming mga actors, kunyari si Bea at si Carla dahil in synch kami, ang ganda lumalabas (ng mga eksena). Kasi nga very comfortable kami, very professional, magaling silang pareho,” paglalahad sa amin ni Jean sa Fast Talk with Boy Abunda.

Masaya ngayon ang aktres sa kanyang personal na buhay. Wala mang karelasyon ay kuntento naman si Jean sa kanyang mga anak at mga apo. “Sorry, Kuya Boy, I’m just being honest. Parang mas masaya akong mag-isa. Mag-isa na kasama ko mga anak ko. Saka mas kuntento ako, wala akong inaalagaan, wala akong problema. Hindi ko alam kung nakasanayan ko na lang, or tinanggap ko na lang. Kasi ayaw ko na ulit masaktan. Kung darating, darating. Kung hindi, it’s okay. Masaya na ako sa mga family ko, mga anak ko, may apo na ako dalawang babae. Masaya na ako, at sa trabaho ko,” giit niya.

Bilang isang ina ay talagang nakasuporta palagi si Jean kina Jennica at Kotaro. Kinikilatis umano ng aktres ang manliligaw o nililigawan ng mga anak. “Pagdating sa mga anak ko, nando’n ako sa umpisa. Kung meron silang ma-meet or date, umpisa pa lang may maririnig na sila kung hindi ko masyadong feel, sinasabi ko na kaagad. Kailangan nilang i-prove sa akin na mali ako. Tatanggapin ko siya in time. Pero kapag tama ako, kasi gusto ko ring ma-realize ng mga anak ko na, mother’s instinct. May pakiramdam ako,” pagtatapat ng beteranang aktres (Reports from JCC)

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with